Tampok

Aling Simbahan ang Mararapture sa Pagbabalik ng Panginoon? Paano Natin Ito Mahahanap?

Tulad ng alam nating lahat, ang iglesia ng Philadelphia na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag ay isang iglesia na na-rapture bago ang mga malalaking sakuna. Sa kasalukuyan, ang mga sakuna ay nasa lahat ng dako, at tanging sa pamamagitan ng pagtuklas sa iglesia ng Philadelphia tayo maaaring ma-rapture sa harap ng trono ng Diyos bago dumating ang mga malalaking sakuna. Alam mo ba kung sa anong mga katangian nakikilala ang iglesia ng Philadelphia? At paano natin mahahanap ang iglesiang ito? Ating talakayin at tuklasin ang isyung ito sa ibaba.

Magpatuloy magbasa “Aling Simbahan ang Mararapture sa Pagbabalik ng Panginoon? Paano Natin Ito Mahahanap?”

Tampok

Christian Music Video | Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo

Mula nang Makapangyarihang Diyos, Hari ng kaharian, nasaksihan na,
lawak ng Kanyang plano ng pamamahala
lumalaganap na sa buong kalawakan.
Pagpapakita ng Diyos nasaksihan na
‘di lang sa China, kundi sa buong mundo.
Tinatawag nila Kanyang banal na ngalan,
hanap ay makasalamuha ang Diyos kahit paano,
kalooban Niya’y inuunawa,
naglilingkod sila sa iglesia.
Gawa ng Banal na Espiritu’y nakakamangha.
Makapangyarihang Diyos,
Hari ng kaharian, Siya’y nasaksihan.
Tunay, Kanyang ngalan
sa buong mundo ay napatotohanan.

Magpatuloy magbasa “Christian Music Video | Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo”

Tampok

Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?

Maraming mga tao, gaano man katagal silang naniwala sa Panginoon, ay nabubuhay pa rin sa kalagayan ng pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi, at sa gayon sila ay nag-aalala kung pinapatawad ba ng Diyos ang mga kasalanang paulit-ulit nilang ginagawa at kung sa huli ay makakapasok sila sa kaharian ng langit. Sa totoo lang, sinabi na sa atin ng mga salita ng Panginoon ang saloobin ng Diyos sa mga isyung ito, pati na rin ang landas upang malutas ang kasalanan.

Magpatuloy magbasa “Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?”

Tampok

“Ang Pananalig Ba sa Bibliya ay Pareho ng Pananalig sa Diyos?” Tagalog Testimony Video

Ang pangunahing tauhan, na isang tapat na mananampalataya, ay nag-aasam sa pagdating ng Panginoon. Nalaman niya sa Facebook kalaunan na nagpapatotoo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Gusto niyang siyasatin iyon, pero dahil sinasabi ng pastor niya na ang daang ipinapangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lagpas sa Biblia at na anumang lumalayo sa Biblia ay maling pananampalataya, nag-atubili siya at hindi nangahas na siyasatin iyon. Matapos manalangin, napagtanto niya na ang pagdating ng Panginoon ay hindi isang maliit na bagay at hindi pwedeng sumunod lang siya sa karamihan ng mga tao. Para makita niya mismo, binisita niya ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan nakakita siya ng iba’t ibang video na nagpapatotoo sa Diyos. Praktikal at nakapagbibigay-liwanag ang pagbabahagi ng Iglesia tungkol sa katotohanan at nilutas noon ang ilang taon na niyang pagkalito at hirap. Natutunan niya rin mula sa mga video na ito na ang Diyos ang Panginoon ng paglikha at may karapatan Siyang lumagpas sa Biblia sa Kanyang gawain, at napagtanto niyang ang pananalig sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat, nakatiyak siya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sumunod sa mga yapak ng Cordero.

Magpatuloy magbasa ““Ang Pananalig Ba sa Bibliya ay Pareho ng Pananalig sa Diyos?” Tagalog Testimony Video”

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 4 From “Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!”: Ang Pagtanggap Lamang sa Bagong Pangalan ng Diyos ang Pagsunod sa mga Yapak ng Kordero

Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba’t ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos?
Sa maikling video na ito — Tagalog Christian Movie Extract 4 From “Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!”: Ang Pagtanggap Lamang sa Bagong Pangalan ng Diyos ang Pagsunod sa mga Yapak ng Kordero, Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito.

Tampok

Natupad Na Ang Mga Propesiya ng Bagong Pangalan ng Diyos sa Pahayag

Tala ng Patnugot:

Pagdating sa kung ang Panginoon ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, maaaring sinasabi mo: “Nakatala sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8). ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas’ (Mga Gawa 4:12). Ipinapakita nito na ang Panginoong Jesus ay tatawagin pa ring Panginoong Jesus at ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago.”

Napagnilayan mo ba kung bakit ang pangalang Jehova ay naging Jesus kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago? Yamang ang Panginoong Jesus ay kumuha ng isang bagong pangalan noong Siya ay gumawa, kung gayon hindi ba Siya maaaring magkaroon ng isang bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw? Sa katunayan, ang Aklat ng Pahayag ay matagal nang ipinropesiya na ang Panginoong Jesus ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik. Hindi lamang natin napansin ito. Halina’t ifellowship natin at tuklasin ang usaping ito sa ibaba.

Magpatuloy magbasa “Natupad Na Ang Mga Propesiya ng Bagong Pangalan ng Diyos sa Pahayag”

Tampok

Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya: Ano ang Tunay na Pananampalataya

Ang hinihingi ng Diyos sa bawat isa sa atin bilang mga Kristiyano ay ang magtaglay ng tunay na pananampalataya. Napakaraming halimbawa ang nakatala sa Biblia ng mga taong nagawang makita ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos at biniyayaan Niya dahil sa kanilang pananampalataya. May pananampalataya si Moises sa Diyos at sa pamamagitan ng gabay Niya, ay nagawang malampasan ang napakaraming balakid at limitasyon ng Pharaoh, matagumpay na ginabayan ang mga Israelita sa kanilang pag-alis sa Ehipto. May pananampalataya si Abraham sa Diyos at handang isakripisyo ang nag-iisa niyang anak na si Isaac sa Diyos, at sa huli ay biniyayaan siya ng Diyos, pinahihintulutan na magparami ang kanyang mga inapo at maging malalaking bansa. May pananampalataya si Job sa Diyos at nagawang magpatotoo para sa Diyos sa pamamagitan ng dalawang pagsubok; higit pa siyang biniyayaan ng Diyos, at nagpakita sa kanya at kinausap siya mula sa bagyo. Ang babaeng taga-Canaan sa Mateo ay may pananampalataya sa Panginoong Jesus at naniwala na magagawa Niyang paalisin ang masamang espiritu mula sa anak niya. Nakiusap siya sa Panginoong Jesus at gumaling ang sakit ng kanyang anak. Bilang mga Kristiyano, mahalagang maunawaan natin ang katotohanang patungkol sa kung ano ang tunay na pananampalataya nang sa gayon ay anumang paghihirap ang makasagupa natin sa ating mga buhay—pagkabigo sa negosyo, dagok sa buhay, hindi magagandang pangyayari sa pamilya—magagawa nating umasa sa ating pananampalataya at walang pag-aalinlangang susunod sa Diyos, nagiging umaalingawngaw na patotoo para sa Kanya at sa huli ay natatamo ang Kanyang pagsang-ayon.

Magpatuloy magbasa “Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya: Ano ang Tunay na Pananampalataya”

Tampok

pang araw araw na Salita ng Diyos | “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” | Sipi 595

Pagkilala sa Diyos — Patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos makinig sa mga salita ng Diyos at ang iyong puso ay mas mapapalapit sa Diyos.

pang araw araw na Salita ng Diyos | “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” | Sipi 595

Ang nalalapit na katapusan ng lahat ng mga bagay ay nagpapahiwatig ng katapusan ng gawain ng Diyos at nagpapahiwatig ng pagtatapos ng pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas ay nakarating na sa katapusan ng pag-unlad, at na ang mga inapo nina Adan at Eba ay nagpaparami sa kani-kanilang mga katapusan, at ito rin ay nangangahulugan na imposible para sa gayong sangkatauhan, na ginawang masama na ni Satanas, ang magpatuloy na umunlad. Ang Adan at Eba sa simula ay hindi nagawang masama, ngunit ang Adan at Eba na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang masama ni Satanas. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, sina Adan at Eba—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang kanilang mga inapo ay darating sa isang pagtatapos; ang sangkatauhan ng hinaharap ay bubuuin pa rin ng mga inapo nina Adan at Eba, ngunit hindi sila mga tao na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Sa halip, sila ay mga tao na nailigtas at napadalisay. Ito ay magiging isang sangkatauhan na hinatulan at kinastigo, at isa na banal. Ang mga taong ito ay hindi tulad ng sangkatauhan ayon sa pagiging orihinal nito; maaaring sabihin ng sinuman na ang mga ito ay isang ganap na ibang uri ng tao mula sa orihinal na Adan at Eba. Ang mga taong ito ay pinili mula sa lahat ng mga taong ginawang masama ni Satanas, at sila ang mga taong sa bandang huli ay tumayong matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ay ang huling natitirang grupo ng mga tao sa gitna ng masamang sangkatauhan. Tanging ang grupong ito ng mga tao ang makakapasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. Sinuman at lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at sinuman at lahat na hindi nailigtas ay wawasakin kapag ang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga espiritung gumagawa ng masama at mga taong gumagawa ng masama, o mga espiritu ng mga taong matuwid at mga taong gumagawa ng pagkamatuwid, sinumang gumagawa ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay. Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi ganap na pinagpasyahan batay sa gawain ng huling panahon, ngunit sa halip ay natukoy batay sa kung sila ay nakipaglaban o naging suwail sa Diyos. Kung ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring mailigtas, ang mga ito ay walang alinlangan na puntirya para sa kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumawa ng kasamaan at hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa kaparusahan. Ang mga tao ay pinaghihiwalay batay sa mabuti at masama, hindi batay sa panahon. Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad parurusahan o gagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagagamit Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang Salita ng Diyos ay Buhay — Narito ang bawat talata ng mga salita ng Diyos ay maaaring magpapahintulot sa iyo na magkaroon ng higit na kaalaman sa Diyos! Mag-click upang makinig ngayon!

Tampok

Tagalog Christian Music Video | Ang Kahulugan ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw

Sa huling mga araw gamit ni Cristo’y mga katotohanan
upang tao ay ilantad at turuan,
gawa at salita nila ay tingnan.

Salita ni Cristo ay puro katotohanan
tungkol sa tungkulin ng tao, pa’no maging tapat sa Diyos,
sundin ang Diyos, isabuhay ang normal na pagkatao,
karunungan, disposisyon ng Diyos, at iba pa.

Mga salita’y nakaturo sa tiwaling diwa ng tao.
Salita ay inilalantad kademonyohan at paglaban ng tao sa Kanya.
Paghatol nagpapaunawa ng tunay na mukha ng Diyos sa tao
at ng katotohanang suwail sila.
Nalalaman nila kalooba’t layon ng gawain Niya,
hiwagang ‘di maunawaan,
dahilan ng katiwalian, at kanilang kapangitan.

Nililinaw ng Diyos likas na pagkatao ng tao sa salita
sa paglalantad at pagtatabas,
habang paghatol Niya’y Kanyang ginagawa.

Katotohanan lamang na wala sa tao ang makakagawa.
Ito ay paghatol, upang makilala ng tao ang Diyos,
at makukumbinsi silang pasakop sa Diyos.
Paghatol nagpapaunawa ng tunay na mukha ng Diyos sa tao
at ng katotohanang suwail sila.
Nalalaman nila kalooba’t layon ng gawain Niya,
hiwagang ‘di maunawaan,
dahilan ng katiwalian, at kanilang kapangitan.
Paghatol ito ang epekto,
katotohanan, daan at buhay ng Diyos ibinubunyag sa tao.
Ito ang paghatol na ginawa ng Diyos.

mula sa: Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Maaaring Magustuhan din Ninyo:

Tampok

Paano Matutupad ang Mga Propesiya ng Ikalawang Pagdating ni Jesus

Ang pinakamalaking kahilingan ng maraming mananampalataya sa Panginoong Jesus ay ang salubungin Siya sa mga huling araw, at kaya napakaraming may nais na malaman kung paano matutupad ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus, upang matanggap nila Siya sa lalong madaling panahon. Kami ay magbabahagi rito at lulutasin ang isyung ito upang maipakita sa iyo ang paraan upang salubungin ang Panginoon na maaaring makapagbigay ng tulong sa iyo.

Magpatuloy magbasa “Paano Matutupad ang Mga Propesiya ng Ikalawang Pagdating ni Jesus”

Tampok

14 na Mga Bible Verse Tungkol sa Proteksyon—Paano Maprotektahan ng Diyos

Ngayon, ang lahat ng uri ng mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, sunog, at mga salot na insekto ay madalas na nangyayari. Lalo na ngayong 2020 ang salot ay pandemya sa buong mundo, at ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa takot. Tunay na walang magawa at walang pag-asa ang sangkatauhan sa harap ng mga sakuna! Maraming tao ang umaasa na sila at ang kanilang pamilya ay makakakuha ng pangangalaga ng Diyos. Ngunit alam mo ba kung ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga sakuna at kung paano makukuha ang proteksyon ng Diyos? Ang sumusunod na mga talata ng Bibliya at mga kaugnay na nilalaman ay magsasabi sa iyo ng mga sagot.

Magpatuloy magbasa “14 na Mga Bible Verse Tungkol sa Proteksyon—Paano Maprotektahan ng Diyos”

Tampok

Tagalog Bible App–Pag-aralan ang Biblia Anumang Oras at Mapalapit sa Diyos

Matapos maging abala sa ating gawain sa buong araw, kung minsan, madarama natin ang ating mga puso ay malayo sa Diyos at pakiramdam na hungkag sa kaibuturan. Sa sandaling ito, dapat nating patahimikin ang ating mga puso upang mapalapit sa Diyos. atin upang Paano Mapalapit sa Diyos? sa anong paraan ang dapat nating gamitin upang makalapit sa Diyos?Hahayaan ka ng Tagalog Bible App na mapalapit sa Diyos anumang oras at mapanatili ang isang maayos na relasyon sa Diyos.

Magpatuloy magbasa “Tagalog Bible App–Pag-aralan ang Biblia Anumang Oras at Mapalapit sa Diyos”

Tampok

Tagalog Christian Music Video | Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Mas Angkop sa Gawain ng Pagliligtas

Nagkatawang-taong Diyos ngayo’y ang Diyos
na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw.
Dahil ito’y tiwaling tao ng laman,
‘di espiritu ni Satanas na direktang hinahatulan,
gawaing paghatol ay tinutupad sa tao,
‘di sa mundong espirituwal.
Kung Espiritu ng Diyos gumawa nito,
paghatol ay ‘di magiging kumpleto.
Ito’y mahirap matanggap ng tao,
dahil tao’y ‘di nakakakita sa Espiritu nang harapan.
Kaya’ng epekto’y ‘di magiging mabilis,
at ito’y mas mahirap para sa tao’ng
makita nang mas malinaw ang disposisyon ng Diyos.
Sa paggawa ng gawain ng paghatol
sa katiwalian ng laman ng tao,
walang mas karapat-dapat, kwalipikado
kaysa sa nagkatawang-taong Diyos.
Sa paggawa ng gawain ng paghatol
sa katiwalian ng laman ng tao,
walang mas karapat-dapat, kwalipikado
kaysa sa nagkatawang-taong Diyos.

Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Music Video | Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Mas Angkop sa Gawain ng Pagliligtas”
Tampok

Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos

Ang Salita ng Diyos ay Buhay: Pagbabasa ng Salita ng Diyos Bawat Araw, at hayaan ang mga salita ng Diyos na mamuno sa ating araw-araw na gawain at buhay, Ito ay isang pangunahing aspeto para sa atin upang mapanatili ang isang maayos na relasyon sa Diyos. atin upang Paano Mapalapit sa Diyos? paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos?pakibasa ang artikulong ito “Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos” at pagkatapos mahahanap mo ang landas.

Magpatuloy magbasa “Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos”

Tampok

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap'” | Sipi 70

Ang Salita ng Diyos ay Buhay: Pagbabasa ng Salita ng Diyos Bawat Araw ​- ang pangangailangan para sa buhay at espiritu ng mga Kristiyano. Mangyaring Pakinggan: Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap'” | Sipi 70

Magpatuloy magbasa “Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’” | Sipi 70″

Tampok

Mga Propesiya sa Bibliya Tungkol sa Mga Palatandaan ng mga Huling Araw: Ang Paraan upang masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon

Sa kasalukuyan, ang mga lindol, mga taggutom, mga salot, mga pagbaha, mga tagtuyot, at lahat ng uri ng iba pang mga sakuna ay madalas na nangyayari at nagiging mas matindi. Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na at ang araw ng pagdating ng Panginoon ay dumating na. Kaya paano natin hahanapin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw? Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Malinaw na iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Malinaw, ang Panginoon ay magsasalita upang kumatok sa ating mga pintuan kapag bumalik Siya sa mga huling araw. Yaong mga nakikinig sa tinig ng Diyos ay maaaring masalubong ang Panginoon, madala bago ang mga sakuna, at makasama sa pista ang Panginoon. Sasabihin sa iyo ng sumusunod na nilalaman ang mga detalye.

Magpatuloy magbasa “Mga Propesiya sa Bibliya Tungkol sa Mga Palatandaan ng mga Huling Araw: Ang Paraan upang masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon”

Tampok

Tagalog Testimony Video “Nauunawaan Ko Na Ang Ugnayan sa Pagitan ng Biblia at ng Diyos”

Nagkataong napanood ng pangunahing tauhan, isang Kristiyano, ang ilang pelikulang ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa YouTube. Natuklasan niyang talagang tunay at nakaaantig ang mga ito, at nakatutulong sa kanyang pananampalataya. Natutuwa siya tuwing pinapanood niya ang mga pelikulang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, kaya sinimulan niyang siyasatin ito. Ngunit isang araw ay nalito siya nang makita niya ang pamagat ng pelikulang Ang Paglabas ng Biblia, at nagtaka siya kung bakit kailangan pang lumampas sa Bibliya sa pananampalataya. Hindi ba’t pagtataksil iyon sa Panginoon? Gayunman, natatakot siya na kung hindi niya ito sisiyasatin, maaaring mawalan siya ng pagkakataong salubungin ang pagdating ng Panginoon. Sa pamamagitan ng panalangin at paghahanap, nagpasya siyang panoorin ang pelikula upang malaman ang katotohanan ng mga bagay-bagay. Nagawa niyang maunawaan ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng Bibliya at masayang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sabay nating panoorin ang kanyang kuwento!


Iba pa:

Tagalog Christian Testimony Video | “Nauunawaan Ko Na Ang Ugnayan sa Pagitan ng Biblia at ng Diyos”
Tagalog Christian Movie Extract 4 From “Pananalig sa Diyos”: Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Diyos?

Tampok

Paano Mapalapit sa Diyos: 3 Mga Paraan ng Pagsasagawa

Sinasabi ng Biblia: “Magsilapit kayo sa Dios, at Siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8).

Bilang mga mananampalataya sa Diyos, alam nating lahat na napakahalagang mapalapit sa Diyos at magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos. Kung gayon, alam mo ba nang eksakto kung paano mapalapit sa Diyos? Sa ibaba, ifefellowship natin ang tungkol sa tatlong landas kung paano mapalapit sa Diyos, na magbibigay-daan na maging mas mapalapit ang ating ugnayan sa Diyos.

Magpatuloy magbasa “Paano Mapalapit sa Diyos: 3 Mga Paraan ng Pagsasagawa”

Tampok

Tagalog Christian Songs | Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay

Ang pahina ng Daily Devotional Tagalog ay nagbibigay ng isang kayamanan ng mga mapagkukunang pang-espiritwal upang matulungan kang makalapit sa Diyos at magtatag ng isang normal na relasyon sa kanya araw-araw. Mangyaring makinig kanta: Tagalog Christian Song | Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay

Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Songs | Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay”
Tampok

Ang Annular Solar Eclipse na Lilitaw sa Hunyo 10, 2021: Tumutupad sa Propesiya sa Bibliya

Ang Annular Solar Eclipse na Lilitaw sa Hunyo 10, 2021: Tumutupad sa Propesiya sa Bibliya

Pagkatapos ng super blood moon noong Mayo 26, isa na namang bihirang pangkalawakang kaganapan—ang annular solar eclipse— ay magaganap sa Hunyo 10. Maraming mga iskolar ng Bibliya ang nag-iisip na ang mga pagpapakita ng blood moon at solar eclipse ay tinupad ang propesiya sa Bibliya at ipinahihiwatig na ang dakila at kakila-kilabot na araw ng Panginoon ay malapit na. Iyon ay, ang malalaking sakuna ay paparating na. Sa gayon tingnan natin ang kasalukuyang sitwasyon sa mundo. Habang nakakaranas ng pandemya, ang ilang mga lugar ay tinatamaan din ng iba pang mga sakuna. Halimbawa, sumiklab ang hidwaan ng Israeli-Palestinian; ang Mexico ay nakakaranas ng isang malawakang tagtuyot; mga kaguluhan sa Colombia; isang buhawi ang tumama sa India; sumabog ang isang bulkan sa Congo. … Bukod dito, ang mga lindol, baha, sunog, at iba pang mga sakuna ay dumarami; ang mundo ay nasa isang nagbabago at magulong estado, at ang giyera, marahas na mga pagkilos, at pag-atake ng terorista ay madalas na nangyayari at patuloy na lumalaganap. Anong mga propesiya sa Bibliya ang natutupad ng mga palatandaang ito? Ano ang babala sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito? Ang mga sumusunod na talata sa Bibliya at mga salita ng Diyos ay may mga kasagutan.

Magpatuloy magbasa “Ang Annular Solar Eclipse na Lilitaw sa Hunyo 10, 2021: Tumutupad sa Propesiya sa Bibliya”

Tampok

Ano ang Isang Mananagumpay? Paano Tayo Magiging Mga Mananagumpay at Makatamo ng Proteksyon ng Diyos?

Yaong mga alam ang Biblia ay nalalaman lahat na ang Aklat ng Pahayag ay iprinopropesiya na 144,000 mga mananagumpay ay babangon sa mga huling araw, at itong mga mananagumpay ay makakatanggap ng proteksyon mula Diyos sa panahon ng mga malaking sakuna. Ang Pahayag 14:1 ay iprinopropesiya na, “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama Niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan Niya, at pangalan ng Kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.” Pahayag 7:14 nakasaad sa propesiya na, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.” Ang “isang daan at apat na pu’t apat na libo” na sinasabi sa Banal na Kasulatan ay ang mga mananagumpay na gagawin ng Diyos. Silang lahat ay yaong sumailalim sa malaking pagdurusa at tumayong saksi, at sila ang mga yaong pinuri ng Diyos na makakapasok sa kaharian ng langit. Maraming tao ang naniniwala na ang mga mabuting pag-uugali tulad ng paggawa at paggugol ng kanilang mga sarili para sa Panginoon, pagdurusa at pagbabayad ng halaga, at pagtangging ikaila ang pangalan ng Panginoon kahit na nasa gitna ng pag-uusig, mga kapighatian, o nasa kulungan, ibig sabihin na maaari silang maging mananagumpay, at sa pagdating ng Panginoon sila ay mararapture sa harapan ng trono ng Diyos. Ngunit naisaalang-alang na ba natin kung ito ba ay tamang pananaw? Hindi sinabi ng Panginoon sa Bibliya na ang mga mananagumpay ay maaaring mabuo lamang mula sa gayong pagtataguyod, kaya ano nga ba ang 144,000 na mga mananagumpay na binanggit sa Pahayag? Pagbabahaginan natin ito ngayon.

Magpatuloy magbasa “Ano ang Isang Mananagumpay? Paano Tayo Magiging Mga Mananagumpay at Makatamo ng Proteksyon ng Diyos?”

Tampok

Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang napaka-pamilyar sa Panalangin ng Panginoon, at binibigkas natin ito sa tuwing nagdarasal tayo: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10). Ngunit kahit na madalas nating dasalin ang Panalangin ng Panginoon, bihira naman nating pinagninilay-nilayan ang tunay na kahulugan ng Panalangin ng Panginoon. Aling mga aspeto ng katotohanan ang sinasabi ng Panginoong Jesus tungkol sa Panalangin ng Panginoon, ano ang kalooban ng Panginoon, at anong mga misteryo ang nakapaloob sa Panalangin ng Panginoon? Pag-usapan natin ang mga bagay na ito ngayon.

Magpatuloy magbasa “Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?”

Tampok

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ano ang Tunay na Pananalig?

ano ang kahulugan ng pananampalataya, Pakinggan po “I sang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ano ang Tunay na Pananalig?“at pagkatapos ay mauunawaan ano ang pananampalataya at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

Ano ang Tunay na Pananalig?

Ano ang pananalig? Ito’y paniniwalang dalisay at dapat may pusong tunay ‘pag ‘di makahawak o makakita, ‘pag gawain ng Diyos ‘di ayon sa pagkaunawa ng tao, kapag ‘di ‘to maabot. Ito’ng pananalig ayon sa Diyos.

Magpatuloy magbasa “Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ano ang Tunay na Pananalig?”

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Pananabik”: Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?

Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna” (Mateo 19:30). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.Manood Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Pananabik”: Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?


Ang pag-raptured bago ang sakuna ay ang pag-asa ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon. Ngayon ay nagsimula na ang malaking sakuna, ngunit bakit hindi pa tayo naraptured? Mag-click sa rapture in bible tagalog at pagkatapos ay mahahanap mo ang sagot.


kaugnay na mungkahi:

Tampok

Anong uri ng tao ang makapapasok sa kaharian ng langit

Anong uri ng tao ang makapapasok sa kaharian ng langit

Akala ng maraming tao na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon at kapatawaran ng kanilang mga kasalanan, sila ay naligtas na sa pamamagitan ng biyaya. Akala nila na sa pamamagitan ng pagsisikap para sa Panginoon, sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at paggugol ng kanilang mga sarili, na bagama’t hindi pa sila nakalaya sa mga gapos ng pagkakasala, sila’y tatangayin paakyat sa kaharian ng langit sa pagdating ng Panginoon. Ngunit iyon ba talaga ang mangyayari? Sinasabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). Ang Diyos ay makatuwiran at banal, kung gayon ay paano Niya papapasukin ang mga taong palaging nagkakasala sa Kanyang kaharian? Anong uri ng tao ang talagang makapapasok sa kaharian ng langit?

Magpatuloy magbasa “Anong uri ng tao ang makapapasok sa kaharian ng langit”

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay

Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si “Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay.” Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?

Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay”

Tampok

Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig ng Katotohanan na ang Diyos ay Nakatago sa Kanya

Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpasa ng Diyos kay Job Papunta kay Satanas at ang Mga Layunin ng Gawain ng Diyos

Kahit na karamihan sa mga tao ngayon ay kumikilala na si Job ay perpekto at matuwid, at siya ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, ang pagkilalang ito ay hindi nagbibigay sa kanila ng mas mataas na kaunawaan ng layunin ng Diyos. Kasabay ng pagkainggit sa pagkatao at hangarin ni Job, tinatanong nila ang mga sumusunod na katanungan sa Diyos: Si Job ay lubos na perpekto at matuwid, minamahal siyang lubos ng mga tao, kung gayon, bakit siya ibinigay ng Diyos kay Satanas at isinailalim sa ganoong paghihirap? Ang ganitong mga tanong ay umiiral sa mga puso ng maraming tao—o kaya, ang pagdududang ito ang tanong na nasa puso ng maraming tao. Dahil nililito nito ang napakaraming tao, kailangan nating ilatag at ipaliwanag nang maayos ang tanong na ito.

Magpatuloy magbasa “Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig ng Katotohanan na ang Diyos ay Nakatago sa Kanya”

Tampok

Nasaan ang Diyos? Paano Natin Mahahanap ang Pagpapakita ng Diyos sa Malalaking Sakuna?

Ang mga sakuna tulad ng mga lindol, mga taggutom at mga salot ay naging mas madalas sa mga nakaraang taon. Ang mga propesiya sa Bibliya hinggil sa pagparito ng Panginoon ay talagang natutupad na ngayon, at maraming mga kapatid na tapat na naghihintay sa pagpapakita ng Panginoon ay nakaramdam na Siya ay malamang na nakabalik na. Bakit hindi pa natin siya nababati? Nasaan na Siya? Paano natin hahanapin ang Kanyang pagpapakita? Sa paksang ito, iniisip ng ilang mga tao na hindi pa bumalik ang Panginoon, at naniniwala silang hindi nila kailangang lumabas upang hanapin Siya, sapagkat sinabi ito sa Bibliya, “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Naniniwala sila na kapag bumalik ang Panginoon, darating Siya sa ibabaw ng isang ulap na may dakilang kapangyarihan at lakas, at dahil hindi pa nakikita ang mga kababalaghang ito, nagpapatunay ito na hindi pa bumabalik ang Panginoon.

Mayroon na ngayong dalawang mag-kakaibang pananaw sa paksang ito, kaya talaga bang bumalik na ang Panginoon o hindi? Paano magpapakita ang Panginoon sa tao kapag Siya ay bumalik? Maaari bang ang paghihintay sa Panginoon na bumaba sa ibabaw ng isang ulap ay garantiya na makikita natin ang Diyos at mababati Siya? I-fellowship natin ng sama-sama ang mga katanungang ito.

Magpatuloy magbasa “Nasaan ang Diyos? Paano Natin Mahahanap ang Pagpapakita ng Diyos sa Malalaking Sakuna?”

Tampok

Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” | Sipi 498

Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” | Sipi 498

Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. Ngunit kung, ngayon, iyong nagawang bigyang kasiyahan ang Diyos, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay pagpeperpekto para sa iyo. Kung, ngayon, hindi mo nagagawang bigyan Siya ng kasiyahan, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay tutukso sa iyo, at ikaw ay hindi namamalayang matutumba, at sa oras na iyon hindi mo matutulungan ang iyong sarili, sapagka’t hindi mo kayang tumupad sa mga gawa ng Diyos, at hindi mo taglay ang tunay na tayog. At kaya, kung nais mong makapanindigan sa hinaharap, mabuting pasayahin ang Diyos, at sumunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan, ngayon ay kailangan mong bumuo ng isang malakas na pundasyon, dapat mong pasayahin ang Diyos sa pagsasabuhay ng katotohanan sa lahat ng mga bagay, at maging maingat sa Kanyang kalooban. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magkakaroon ng pundasyon sa kalooban mo, at pasisiglahin ng Diyos sa iyo ang isang pusong nagmamahal sa Kanya, at magbibigay Siya sa iyo ng pananampalataya. Isang araw, kapag ang isang pagsubok ay tunay na napasaiyo, maaari kang lubos na magdusa ng kaunting sakit, at maramdamang nasasaktan hanggang sa isang tiyak na punto, at magdusa ng nakadudurog na kalungkutan, na parang ikaw ay namatay—nguni’t ang iyong pag-ibig sa Diyos ay hindi magbabago, at magiging mas malalim. Ganyan ang mga pagpapala ng Diyos. Kung iyong magagawang tanggapin ang lahat ng sinasabi ng Diyos at ginagawa ito ngayon nang may isang pusong masunurin, sa gayon ikaw ay tiyak na pagpapalain ng Diyos, at sa gayon ikaw ay magiging isang taong pinagpala ng Diyos, at tumatanggap ng Kanyang pangako. Kung, ngayon, hindi ka nagsasagawa, kapag ang mga pagsubok ay napasaiyo isang araw mawawalan ka ng pananampalataya o mapagmahal na puso, at sa oras na iyon ang pagsubok ay magiging tukso; ikaw ay malulublob sa gitna ng tukso ni Satanas at hindi magkakaroon ng paraan upang makatakas. Ngayon, maaari kang manindigan kapag ang isang maliit na pagsubok ay naipasa sa iyo, nguni’t hindi nangangahulugang magagawa mong manindigan kapag naipasa sa iyo ang isang malaking pagsubok balang araw. Ang ilang tao ay napakataas ang paniniwala sa sarili, at nag-iisip na sila ay malapit nang maging perpekto. Kung hindi ka sisisid nang mas malalim sa nasabing mga pagkakataon, at mananatiling kampante, sa gayon ikaw ay manganganib. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng malalaking pagsubok, lahat ay tila maayos sa itsura, nguni’t kapag sinusubukan ka ng Diyos, iyong matutuklasang ikaw ay masyadong kulang, dahil ang iyong tayog ay masyadong mababa, at ikaw ay walang kakayanang tiisin ang malalaking pagsubok. Kung, ngayon, hindi ka susulong, kung mananatili ka sa isang lugar, sa gayon babagsak ka sa pagdating ng daluyong. Dapat ninyong tingnan nang madalas kung gaano kababa ang inyong tayog; ito lamang ang magbibigay sa inyo ng progreso. Kung sa mga panahon lamang ng pagsubok mo nakikitang mababa ang iyong tayog, na ang iyong pagpapasya ay napakahina, na tunay na kakaunti lamang sa loob mo ang tunay, at ikaw ay hindi sapat para sa kalooban ng Diyos—at kung doon mo lamang mapagtanto ang mga bagay na ito, ito ay huling-huli na.

Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ikaw ay tiyak na mahuhulog sa panahon ng mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya ginagawang perpekto ang mga ito, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi sila tumutugma sa iyong mga paniniwala, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ang iyong laman ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon—nguni’t sa mga huling araw Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang gawin ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang lalong higit na pagdurusa at maraming mga pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa kasukdulan mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung mayroon mang tunay na nagmamahal sa Diyos o wala ay nabubunyag sa panahon ng kahirapan at pagpipino. Dinadalisay ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagpipino.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ano ang Kahulugan ng Pagsubok sa Atin ng Diyos?
Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Cordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay.

Tampok

Ang Pag-alam Kung Ano Katotohanan ang Tanging Daan Upang Masalubong ang Panginoon

Ang Pag-alam Kung Ano Katotohanan ang Tanging Daan Upang Masalubong ang Panginoon

Alam mo ba kung ano ang katotohanan? Alam mo ba kung paano salubungin ang Panginoon sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang katotohanan? Ang artikulong ito ay ibibigay sa iyo ang mga sagot, tutulungan kang malaman kung ano ang katotohanan at salubungin ang Panginoon.

Ano ang katotohanan? Ano ang relasyon sa pagitan ng isyung ito at pagsalubong sa Panginoon? Sa katunayan, ipinropesiya ng Panginoong Jesus matagal na, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Ang kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag ay ipinropesiya ng maraming beses: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Ang mga propesiya na ito ay pinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga bagong salita at gagabayan ang mga tao na maunawaan at makapasok sa lahat ng mga katotohanan. Kaya kung ninanais nating salubungin ang Panginoon, dapat nating malaman kung ano ang katotohanan; magiging labis na mahirap para sa atin na masalubong ang Panginoon kung walang pag-alam sa kung ano ang katotohanan.

Magpatuloy magbasa “Ang Pag-alam Kung Ano Katotohanan ang Tanging Daan Upang Masalubong ang Panginoon”

Tampok

Tagalog Christian Song With Lyrics | “Dapat Sambahin ng Tao ang Diyos para sa isang Magandang Hantungan”

Tagalog Christian Songs With Lyrics |“Dapat Sambahin ng Tao ang Diyos para sa isang Magandang Hantungan”

Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.
Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao. (Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi.)
Pag unlad ng tao’y
di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

Kung tunay kang Kristiyano,
t’yak ika’y naniniwalang
ang pagguho at pagbangon ng bawat bansa’y
nagaganap ayon sa disenyo ng Diyos.
Diyos lang ang may alam ng tadhana ng bansa.
Diyos lang ang may alam ng tadhana ng bansa.
Diyos lang ang may alam ng landas na dapat sundin ng tao.
Kung nais ng tao o bansa ng magandang kapalaran,
dapat sila’y yumuko’t manalig sa Diyos, manalig sa Diyos.
Tao’y dapat magsisi’t mangumpisal sa Diyos,
kundi kapalara’t hantungan ay mauuwi sa tiyak na kasawian.
Kung tunay kang Kristiyano, t’yak ika’y naniniwalang
ang pagguho at pagbangon ng bawat bansa’y
nagaganap ayon sa disenyo ng Diyos, disenyo ng Diyos,
nagaganap ayon sa disenyo ng Diyos.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Magrekomenda:
Christian Music Video | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan (Tagalog Subtitles)
Tagalog Christian Song With Lyrics | “Dapat Sambahin ng Buong Sangkatauhan ang Diyos”


Pagbasa Ngayong Araw

Ano ang pagsisisi?Ang pagdarasal ba sa Panginoon at pagkukumpisal ay ang totoong pagsisisi? Paano tayo tunay na magsisi upang maaprubahan ng Diyos? Basahin ang artikulong ito upang mahanap ang paraan.
Please read: Ano ang Pagsisisi? Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi sa Gitna ng mga Sakuna

Tampok

Ika-26 ng Mayo 2021 Super Blood Moon: Dumarating ang Dakila at Kahila-hilakbot na Araw ni Jehova

Kumalat pa rin ang pandemya, at ang iba pang mga sakuna tulad ng mga lindol, bagyo, at mga taggutom ay patuloy din. Natutupad nito ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon. Nababalisa ka ba at nag-aalala tungkol sa kung paano maging handa sa pagdating ng panginoon? I-click at basahin ang artikulong ito upang hanapin ang landas.

Ika-26 ng Mayo 2021 Super Blood Moon: Dumarating ang Dakila at Kahila-hilakbot na Araw ni Jehova

Ang Palatandaan ng mga Huling Araw: sa Ika-26 ng Mayo ay Makikita ang Super Blood Moon

Ang madalas na paglitaw ng blood moon sa mga nakaraang taon ay pumukaw sa atensyon ng maraming iskolar ng Biblia. Ito ay dahil ang blood moon na ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag ay ipinapahiwatig ang pagdating ng araw ng paghatol ng Diyos at hudyat ng paglitaw ng malalaking kaganapan. Ayon sa mga meteorolohikong ulat mula sa iba’t ibang bansa at mga pahayag ng mga astronomo, makikita natin ang pinakamalaking blood moon sa ika-26 ng Mayo ngayong taon. Isang bihirang pangyayari ang magpapakita sa kalangitan: Isang super blood moon na may pulang kulay ang magpapakita habang total lunar eclipse, mas malaki at maliwanag kumpara sa tipikal na full moon. May mga itinalang blood moon sa buong mundo, at ang mga blood moon ay madalas na kinikilalang tagapauna ng mga sakuna at pambihirang kaganapan.

Magpatuloy magbasa “Ika-26 ng Mayo 2021 Super Blood Moon: Dumarating ang Dakila at Kahila-hilakbot na Araw ni Jehova”

Tampok

Tagalog Christian Song | Makapangyarihang Diyos Lamang ang Makapagliligtas sa Tao

Sa mga huling araw, Nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gawain ng pagliligtas ng tao, ay napakahalaga para sa atin.mangyaring pakinggan Tagalog Christian SongTanging Makapangyarihang Diyos ang Makakatipig ng Tao

Kayganda ng mga gawa
ng Makapangyarihang Diyos!
Pitong trumpeta, pitong kulog tumutunog,
pitong mangkok ang ibinubuhos Niya.
Ito’y makikita, wala ‘yang duda.

Ang naghahandog ng sarili ngayon
ay tiyak na lubos Niyang pagpapalain;
ang gustong iligtas ang sarili’y mamamatay.
Lahat ay nasa mga kamay ng Diyos.
H’wag nang tumigil sa paghakbang mo.
Lupa’t langit nagbabago nang husto.
Walang pagtataguan, tatangis ang tao;
wala silang ibang pagpipilian.
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.

Gawain ng Banal na Espiritu’y sundan,
dapat malinaw sa loob ng sarili ng bawat tao,
‘di na kailangang paalalahanan
tungkol sa pag-unlad ng Kanyang gawain.
Dalasan mo ang pagharap sa Diyos,
at lahat-lahat sa Kanya’y hilingin.
At loob mo’y liliwanagan,
sa panganib poprotektahan ka Niya.
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.

H’wag matakot!
Hawak Niya buong pagkatao mo.
Sa proteksyon Niya, ano’ng ikakatakot?
Magtatagumpay na ang kalooban Niya.
Buksan espirituwal na mata,
magbabago ang langit.
Bakit matatakot?
Sa munting pagkilos ng kamay Niya,
lupa’t langit, kaya Niyang agad wasakin.
Kaya bakit ka pa mag-aalala?
‘Di ba lahat ng bagay nasa kamay Niya?
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.
Lupa’t langit mababago sa utos Niya.
Magagawa tayong ganap sa utos Niya.
H’wag mabalisa, sumulong nang panatag,
sa kabilang dako, makinig, mag-ingat.
Mag-ingat agad, kalooban Niya’y nangyari na,
proyekto Niya’y tapos na,
tagumpay plano Niya.
Lahat ng anak Niya’y nakarating na sa trono Niya,
hinuhusgahan mga bansa’t taong may Diyos.
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.
Umuusig sa iglesia’t mga anak Niya
parurusahan nang matindi, tiyak ‘yan!
‘Yong may taos ang puso sa Kanya, naninindigan
mamahalin ng Diyos magpakailanman.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Alam mo ba kung bakit mahalaga ang kaligtasan? Paano natin makakamit ang walang hanggang kaligtasan? Ang artikulong ito ay magbibigay ng sagot sa iyo.

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono”: Upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos

Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Mabuting balita ng Panginoon ngayong araw: Ang misteryo ng pagbabalik ng Panginoon ay naihayag. Ang Panginoon ay kakatok sa ating mga pintuan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbigkas sa Kanyang pagbabalik. Yaong nakikinig sa tinig ng Diyos at nagbukas ng pintuan upang batiin ang Diyos ay dadalo sa piging kasama Siya. Kung nais mong matuto nang higit pa, Mangyaring panoorin Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono”: Upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos.


Maraming tao ang nagpatotoo sa pagbabalik ng Panginoon. Paano ba natin matutukoy na bumalik na ang Panginoon? At paano dapat natin matanggap ang muling pagbabalik ng Panginoon? I-click ang link sa ibaba, narito ang sagot.

1.Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa tinig ng Diyos masasalubong ang nagbalik na Panginoon.
2.Tagalog Christian Movie Extract 2 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Makinig Para sa Tinig ng Diyos Upang Salubungin ang Pagdating ng Panginoon.

Tampok

Paano Makamit ang Pangangalaga ng Diyos sa Malalaking Sakuna

Paano Makamit ang Pangangalaga ng Diyos sa Malalaking Sakuna

Kamakailan, ang pandemya ay tumaas muli sa maraming mga bansa. Ang sitwasyon ay partikular na malubha sa India: Naitala nito ang pinakamataas na bagong kaso ng Covid-19 sa isang araw sa buong mundo, at ang bilang ng mga namamatay ay mabilis na dumarami. Ang pandemya ay talagang hindi na makontrol. Nagbabala ang mga epidemiologists sa India na ang tripleng mutation (B.1.618) ay natuklasan sa maraming estado ng India, at mas nakakahawa ito kaysa sa ibang strain. Maraming tao ang nabubuhay sa kaguluhan at takot at ganap na nasa kawalan, nag-aalala na sila at ang kanilang pamilya ay mahawa, at mas natatakot na mamatay o mawalan ng mahal sa buhay. Bukod dito, iba’t ibang bansa sa buong mundo ang nakakaranas ng dumaraming taggutom, lindol, baha, at giyera. Nahaharap sa malalaking mga sakuna, ang mga tao ay maaari lamang patuloy na tawagin ang Panginoon para sa Kanyang pangangalaga at proteksyon. Gayunpaman, naisip na ba natin ang tungkol sa mga sumusunod? Ano ba talaga ang intensyon ng Diyos sa paghagupit ng mga sakuna? Paano tayo makakaligtas sa mga sakuna? I-fellowship natin ngayong araw ang tungkol sa isyung ito.

Magpatuloy magbasa “Paano Makamit ang Pangangalaga ng Diyos sa Malalaking Sakuna”

Tampok

Ano ang Pananampalataya at Paano Patibayin ang Pananampalataya

Basahin ang artikulong ito, “Ano ang Pananampalataya at Paano Patibayin ang Pananampalataya” at pagkatapos ay mauunawaan ano ang kahulugan ng pananampalataya ​at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

Ano ang Pananampalataya at Paano Patibayin ang Pananampalataya

Pagdating sa kung ano ang pananampalataya, iniisip ng ilang tao na ang pag-iwan sa ating mga tahanan at karera, pagsisikap para sa Panginoon, pagkalat ng ebanghelyo kahit saanman na maaari at pagtatag ng mga simbahan ay pagpapakita ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Ngunit ang gawin ba ang mga bagay na ito ay nangangahulugan na mayroon tayong tunay na pananalig sa Diyos? Kung gayon, kapag nakakaranas tayo ng mga sakuna o karamdaman sa panlaman, o kung may nangyaring hindi maganda sa ating pamilya, paanong nagiging mahina at negatibo tayo, at hindi naiintindihan at sinisisi ang Diyos, at ang ilan ay nawalan ng gana at nadismaya sa Diyos at iniwan Siya? Ipinapakita nito na ang masigasig na paggawa at paggugol, pagdurusa, at pagbabayad ng utang na loob para sa Diyos ay hindi nangangahulugang mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Diyos. Kaya’t kung gayon, ano ang pananampalataya nga ba?

Magpatuloy magbasa “Ano ang Pananampalataya at Paano Patibayin ang Pananampalataya”

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 1 From “Paggising Mula sa Panaginip”: Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?

Ano ang kaharian ng langit? Nasa langit ba talaga ito? Kung gayon bakit tinuruan tayo ng Panginoong Jesus na manalangin sa ganitong paraan: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10)? Nais ba ninyong malaman kung nasaan ang kaharian ng langit at kung paano makakapasok dito? Mangyaring panoorin Movie Extract: “Paggising Mula sa Panaginip”

Tagalog Christian Movie Extract 1 From “Paggising Mula sa Panaginip“: Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?

Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit? Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala?


Iba pa:
Nasaan ang kaharian ng Diyos
Large-scale Gospel Choir | “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo” Tagalog Christian Song

Tampok

Filipino Christian Song | Nadala Kami sa Harap ng Luklukan

Filipino Christian Song | Nadala Kami sa Harap ng Luklukan

Nadala kami sa harap ng luklukan,
dahil lamang sa biyaya at awa ng Diyos.
Nagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ang puso ng napakaraming banal,
na hindi nag-aalinlangan sa kanilang espirituwal na paglalakbay.
Matatag sila sa kanilang pananampalataya na nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos,
na Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay:
Pinagtibay ito ng Banal na Espiritu, kasintatag ito ng kabundukan!
Hindi ito magbabago kailanman!
O, Makapangyarihang Diyos! Ngayon ay Ikaw ang nagbukas sa aming mga espirituwal na mata,
na tinutulutang makakita ang bulag, makalakad ang pilay,
at mapagaling ang mga ketongin.
Ikaw ang nagbukas sa durungawan sa langit,
na tinutulutan kaming mahiwatigan ang mga hiwaga ng espirituwal na dako.
Naturuan ng Iyong mga banal na salita
at naligtas mula sa aming pagiging tao, na ginawang tiwali ni Satanas—
ganyan ang Iyong di-masukat na dakilang gawain at Iyong di-masukat na matinding awa.
Kami ay Iyong mga saksi!

Matagal Kang nanatiling nakatago, nang mapakumbaba at tahimik.
Napasailalim Ka sa pagkabuhay na mag-uli mula sa kamatayan,
sa pagdurusa ng pagpapako sa krus,
sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay ng tao,
at sa pag-uusig at kahirapan;
naranasan at nalasap Mo ang pasakit ng mundo ng tao, at tinalikdan Ka ng kapanahunan.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Diyos Mismo.
Alang-alang sa kalooban ng Diyos, nailigtas Mo kami mula sa tumpok ng dumi,
at inalalayan Mo kami gamit ang Iyong kanang kamay,
at malayang ibinigay sa amin ang Iyong biyaya.
Ginawa Mo ang lahat, ihinubog Mo ang Iyong buhay sa amin;
ang halagang binayaran Mo gamit ang Iyong dugo, pawis at luha ay nagpatatag sa mga banal.
Kami ang produkto ng Iyong napakaingat na pagsisikap;
kami ang halagang binayaran Mo.
O, Makapangyarihang Diyos! Dahil sa Iyong kabutihang-loob at awa,
sa Iyong katuwiran at kamahalan, sa Iyong kabanalan at pagpapakumbaba
kaya yuyukod sa Iyong harapan ang lahat ng bayan
at sasambahin Ka nang walang-hanggan.

Ngayon ay nagawa Mo nang ganap ang lahat ng iglesia—
ang iglesia ng Philadelphia—
at sa gayon ay natupad ang Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala.
Maaaring mapagpakumbabang magpasakop ang mga banal sa Iyong harapan,
na nakaugnay sa espiritu at sumusunod nang may pagmamahal,
nakaugnay sa pinagmumulan ng bukal.
Dumadaloy nang walang-tigil ang buhay na tubig ng buhay,
at hinuhugasan at nililinis ang lahat ng putik at maruming tubig sa iglesia,
muling dinadalisay ang Iyong templo.
Hinahayaan nating maghari nang kataas-taasan ang Diyos sa ating espiritu,
lumalakad na kasama Niya at sa gayon ay nangingibabaw,
nadaraig ang mundo, at malayang lumilipad at lumalaya ang ating espiritu:
Ito ang kinalalabasan kapag naging Hari ang Makapangyarihang Diyos.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos, makipag-ugnayan sa paglilingkod at maging isa,
tuparin ang mga layon ng Makapangyarihang Diyos,
magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan,
tapakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran nito.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


  • Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw :
    Ano ang rapture? Hindi kaya na dinala tayo ng Panginoon sa hangin? Sa katunayan hindi ito! Kung gayon ano ang tinutukoy ng marapture? Basahin ang rapture in bible tagalog upang maunawaan ang totoong kahulugan ng marapture. Tutulungan ka nitong masalubong ang Panginoon at maraptured sa harap ng trono ng Diyos sa lalong madaling panahon.

Tampok

Paano Mapapalakas ang Pananampalataya sa Diyos sa Abalang Trabaho

Panimula: Kung madalas kang walang oras upang dumalo sa mga pagpupulong at sa gayon ay lumayo sa Diyos dahil sa abala sa trabaho, sasabihin sa iyo ng susunod na artikulo kung paano mapapalakas ang pananampalataya sa Diyos sa abalang buhay. Magmadali na basahin ito ngayon!

Minamahal na mga kapatid,

Ako ay isang bagong mananampalataya na katatanggap lamang ng gawain ng Diyos. Bagaman alam kong mahalaga ang pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos bilang isang Kristiyano at nais ko ring kumilos nang naaayon sa kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, subalit upang kumita ng mas maraming pera at makapamuhay nang dekalidad na buhay, abala ako sa paggawa ng pera at mga panlipunang pakikipag-ugnayan at walang panahon upang dumalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Kahit na kumikita ng pera, lagi akong nakararamdam ng pagkahungkag at nagkakautang sa Panginoon. Mayroon akong tanong: Paano ako dapat pumili sa pagitan ng kaabalahan sa trabaho at sa mga pagtitipon sa aking pananampalataya sa Diyos?

Lubos na Gumagalang,

Xiaodong

Paano Mapapalakas ang Pananampalataya sa Diyos sa Abalang Trabaho

Dear Xiaodong,

Ang tanong na ito ay lumito rin sa akin sa mahabang panahon. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pagbabahagian at pagtustos ng mga kapatiran, naunawaan ko ang ilang mga katotohanan, nakita nang malinaw kung bakit ako abala sa aking trabaho at naunawaan ang mga intensyon ng Diyos, kaya’t nakagagawa ng tamang pagpili sa pagitan ng trabaho at ng mga pagtitipon. Sa ibaba, ibabahagi ko ang tungkol sa aking kaalaman. Umaasa ako na makakatulong ito sa iyo.

Magpatuloy magbasa “Paano Mapapalakas ang Pananampalataya sa Diyos sa Abalang Trabaho”

Tampok

Ano ang Pagsisisi? Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi sa Gitna ng mga Sakuna

Ano ang Pagsisisi? Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi sa Gitna ng mga Sakuna

Ano ang Pagsisisi? Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi sa Gitna ng mga Sakuna

Sa mga nagdaang taon, ang mga sakuna ay lumalaki at higit na lumalala, tulad ng mga lindol, mga salot, sunog, pagbaha, atbp. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang madalas na mga sakuna ay mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, at ang araw ng Panginoon ay nalalapit na sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Malinaw na, tanging ang mga yaong tunay na nagsisisi ang maaaring mapangalagaan ng Diyos at makakaiwas na mapinsala ng mga sakuna. Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Halina’t sama-sama nating saliksikin ang paksang ito.

Magpatuloy magbasa “Ano ang Pagsisisi? Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi sa Gitna ng mga Sakuna”

Tampok

“Pag-aani ng Galak sa Gitna ng Paghihirap” | Patotoo ng Kristiyano ng Pagkaranas ng Karamdaman

Mangyaring i-click ito Manood :”Pag-aani ng Galak sa Gitna ng Paghihirap” | Patotoo ng Kristiyano ng Pagkaranas ng Karamdaman ​at pagkatapos ay mauunawaan ano ang pananampalataya at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos

Si Zhong Xinming ay isang lider ng iglesia na kayang magtiis ng paghihirap para sa kanyang tungkulin, at siya ay kapwa maingat at responsable. Kahit may mga problema siya sa kanyang likod, ipinagpatuloy niya pa rin ang paggawa sa kanyang tungkulin sa kabila ng sakit. Gayunpaman, lumala ang kanyang kondisyon, at nalaman sa hospital checkup niya na mayroon siyang herniated disc sa lumbar segments 4 at 5. Kapag hindi siya nagpagamot agad, maaari siyang maratay sa kama. Medyo nag-alala siya dahil dito, ngunit naniwala siyang nangyari sa kanya ang kondisyong ito dahil sa pahintulot ng Diyos, at na sinusubukan siya ng Diyos, sinusubok ang kanyang pananalig at debosyon. Naniwala siya na hangga’t itinutuloy niya ang kanyang pagpapagamot at patuloy na ginagawa ang kanyang tungkulin, tiyak na poprotektahan siya ng Diyos. Ngunit sa paglipas ng panahon, lumala nang lumala ang kanyang kondisyon, at nanganib siyang maging paralisado anumang oras. Paano niya malalagpasan ang pagsubok ng karamdamang ito? At paano siya aani ng kagalakan sa huli?


Magrekomenda :

Tampok

Tanong 7: Ang dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapatotoo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Sagot:

Kung talagang nakikilala ng mga mananampalataya na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, talagang napakahalaga nito, at ipinapakita na ang gayong mga mananampalataya ay may tunay na alam sa diwa ni Cristo. Ang gayong tao lamang ang masasabing tunay na nakakakilala sa Diyos. Si Cristo ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang mga kumikilala kay Cristo at makasusunod sa Kanya ang nakakakilala sa Diyos dahil ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmumula lahat sa Diyos, lahat ay mula sa mga pahayag ng Cristong nagkatawang-tao. Maliban kay Cristo, wala nang katotohanan, daan, at buhay, kaunti lamang ang mga taong nakauunawa nito. Ginagamit ng Diyos ang kakayahan ng taong makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang pamantayan sa pagsubok Niya sa tao. Ang mga nakatutugon lamang sa pamantayang ito sa kanilang paniniwala ang magkakamit ng papuri ng Diyos. Lahat ng tumatanggap at sumusunod sa pagkakatawang-tao ng Diyos ay mga mananagumpay na dinadala sa harapan ng Diyos para gawin munang perpekto. Ang mga hindi tumatanggap at sumusunod kay Cristo ay ipadadala upang danasin ang dusang dulot ng mga kalamidad dahil hindi nila kinikilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos at maituturing na mga mangmang na dalaga. Tulad noong dumating ang Panginoong Jesus, dinala Niya ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at ang mga tumanggap sa Kanyang salita at tunay na sumunod sa Kanya sa tuktok ng bundok, personal na ginagabayan at tinuturuan sila, habang hindi pinapansin ang mga nasa relihiyosong daigdig at ang mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang kapakinabangan dahil naniwala lamang sila sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan at hindi tinanggap ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Bulag sila sa hindi nila pagkilala sa Diyos. Kaya yaon lamang mga tumatanggap at sumusunod sa nagkatawang-taong Cristo ang tatanggap ng papuri ng Diyos at gagawin Niyang perpekto. Bakit si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Magpatuloy magbasa “Tanong 7: Ang dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapatotoo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?”

Tampok

Alam Mo Ba Kung Nasaan ang Kaharian ng Diyos?

Alam Mo Ba Kung Nasaan ang Kaharian ng Diyos?

Kapag natatanong kung nasaan ang kaharian ng Diyos, karamihan sa mga tao ay sumasagot, “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sapagka’t Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon’ (Juan 14:2–3). Yamang ang muling pagkabuhay ni Jesus at pag-akyat sa langit ay upang maghanda ng lugar para sa atin, kung gayon ang lugar na inihanda para sa atin ay nasa langit—ang kaharian ng Diyos ay dapat nasa langit.” Totoo na sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay maghahanda ng lugar para sa atin, subalit sinabi ba ng Panginoon na ang lugar para sa atin ay nasa langit? Naaayon ba ang gayong pagkaunawa sa kalooban ng Panginoon? Katunayan, hindi malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon kung ang kaharian ay nasa langit. Gayunpaman, ipinagpalagay natin na ang kaharian ng Diyos ay nasa langit batay lamang sa talatang ito—hindi ba ito basta-bastang pahayag? Hindi ba ito maling paniniwala? Kung nais nating malaman kung nasaan ang kaharian ng Diyos, dapat tayong magsaliksik at magsiyasat sa maraming aspeto. Sa ibaba, pag-aralan natin ang Biblia at makita kung nasaan ang kaharian ng Diyos.

Magpatuloy magbasa “Alam Mo Ba Kung Nasaan ang Kaharian ng Diyos?”

Tampok

Christian Video | “Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos”

Nais mo bang magpatotoo sa Diyos at maging isang mananagumpay? Mangyaring manood ng isang video tungkol sa short personal testimony in tagalog at mahahanap mo ang isang landas.

Ang mananampalatayang ito ay isang dating military commander, ngunit matapos ilipat sa isang state enterprise para pamahalaan ang mga gawain ng Partido, hindi niya napigil na mahalata ang mga awayan, intriga, at paglaganap ng kalupitan sa loob ng Partido Komunista, dahilan upang maging miserable siya at labis na malungkot. Nang nararamdaman niyang naliligaw na siya, tinanggap niya ang Panginoong Jesus bilang kanyang Tagapagligtas, at narinig niya kalaunan ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nakita na ang lahat ng Kanyang mga salita ay ang katotohanan. Naramdaman niyang nabusog ang kanyang kaluluwa at nagpasya na ibahagi at ipatotoo ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Sa gulat niya, nang ang mga kapatid sa Panginoon, na tila mga mukhang banal na Kristiyano, ay narinig ang kamangha-manghang balita ng pagbabalik ng Panginoon, mabilis nilang ipinakita ang isa pang panig ng kanilang mga sarili. Pinahabol nila siya sa mga aso, binato siya ng ihi at dumi, sinuntok at sinipa siya, at sinumbong pa siya sa pulis. Wala silang pinagkaiba sa mga Fariseo na sumiil sa Panginoong Jesus noong panahon Niya. Talagang nagkaroon siya ng diwa kung gaano kahirap para sa Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Sa panahon ng pagbabahagi niya ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos at sa harap ng bawat paghihirap, ang himnong “Naglalakad sa Landas ng Pagmamahal sa Diyos” ay laging tumutugtog sa kanyang mga tainga. Palagi itong nakakaantig sa kanyang kaluluwa.


Manood ng higit pa:
Tagalog Christian Stage Play 2021 | “Isang Pamilyang nasa Bingit”
Tagalog Christian Stage Play | “Ang Matandang Lalaki at Ang Bata”

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 6 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao

Bakit nagkatawang tao ang Diyos?
Manood Tagalog Christian Movie Extract 6 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao

Ngayon nangatutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Alam mo ba kung paano maging handa sa pagdating ng Panginoon upang masalubong mo Siya? Magrekomenda nang higit pa:

Tampok

Alam Mo Ba ang Kahulugan ng “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok”?

Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Mula sa propesiya na ito tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, makikita na ang Panginoon ay kakatok sa ating mga pintuan sa Kanyang pagbabalik. Kaya, sa anong paraan kakatok ang Panginoon? At paano natin sasalubungin ang Panginoon kapag Siya ay kumakatok? I-fellowship natin ang mga katanungang ito.

Magpatuloy magbasa “Alam Mo Ba ang Kahulugan ng “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok”?”

Tampok

Tagalog Christian Stage Play | “Ang Matandang Lalaki at Ang Bata”

Pakiusap, panoorin ang dulang “Ang Matandang Lalaki at Ang Bata” | Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Nagpapatibay ng Kanilang Pananampalataya sa Diyos at pagkatapos ay mauunawaan ano ang pananampalataya at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

Noong 2008, ang Partido Komunista ng Tsina ay galit na galit na sinimulan ang pagpigil sa mga relihiyosong paniniwala sa ilalim ng pagpapanggap na “estabilisasyon”. Malaking bilang ng mga Kristiyano ang ikinulong at pinahirapan, at marami ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan upang magtago, at hindi na nakabalik. Si Zhang Zhizhong, isang matandang kapatid, ay itinakda na pangunahing target para arestuhin ng Partido Komunista ng Tsina dahil sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapatuloy sa mga miyembro ng simbahan sa kanyang tahanan. Ang buong pamilya niya ay napilitang tumakas upang maiwasan ang pag-aresto ng CCP. Noong hindi nila mahuli si Zhang Zhizhong, hinalughog ng mga opisyal ng CCP ang kanyang bahay at ikinulong ang kanyang kapatid at mga anak para tanungin. Pinatigil din nila ang pondo ng kanyang pensyon, na pumutol sa kanyang ikinabubuhay. Ang sitwasyon niya ay lalo’t lalong naging mapanganib at mahirap dahil lagi siyang tumatakas kasama ang kanyang batang apong lalaki, nang walang permanenteng lugar na matitirahan. Pagkatapos noong 2010, gumamit uli ang CCP ng isang palusot, ngayon naman ay isang census, para makagawa ng pambansang pagsisiyasat upang makahanap at makaaresto ng mga Kristiyano. Dahil walang na silang lugar na mapupuntahan, sina Zhang Zhizhong at ang kanyang apong lalaki ay napilitang magtago sa loob ng isang kuweba ng isang bundok, matapang na hinaharap ang ginaw ng taglamig. Paano nila malalampasan ang hindi makataong pagtugis at pag-uusig ng CCP?

kaugnay na mungkahi :
Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya

Tagalog Christian Song With Lyrics | “Ang Ginagawang Perpekto ng Diyos ay ang Pananampalataya


Sabi ng Diyos: “At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.” I-click at basahin ang artikulong ito: kahulugan ng pagsubok, upang malaman ang sagot.

Tampok

Paano dapat unawain ng isang tao na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios” (Juan 1:1–2).

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin … na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).

“Ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay” (Juan 6:63). Magpatuloy magbasa “Paano dapat unawain ng isang tao na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?”

Tampok

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” | Sipi 5

Dahil abala tayo sa ating trabaho at walang oras na gumawa ng mga debosyonal. Paano kung mapalayo tayo sa Diyos, hindi maramdaman ang presensya, at makaramdam ng pagkabalisa? Basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional ang pinakamabuting pagpili.

Sabi ng Diyos:

“Ang tunay na nilalang ay dapat na makakilala kung sino ang Manlilikha, kung para saan ang pagkakalikha sa tao, kung paano isakatuparan ang mga responsibilidad ng isang nilalang, at kung paano sambahin ang Panginoon ng lahat ng sangnilikha, dapat maunawaan, matarok, malaman, at pagmalasakitan ang mga intensyon ng Manlilikha, mga nais, mga hinihingi, at dapat na kumilos ayon sa paraan ng Manlilikha—ang matakot sa Diyos at umiwas sa masama. Ano ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos? At paano umiwas sa masama?Ang “magkaroon ng takot sa Diyos” ay hindi nangangahulugang walang katulad na sindak at takot, ni hindi ang umiwas, o lumayo, at hindi rin ito pagsamba sa diyos-diyosan o pamahiin. Sa halip, isa itong paghanga, pagpapahalaga, pagtitiwala, pag-unawa, pangangalaga, pagsunod, pagtatalaga, pag-ibig, at maging, walang-kundisyon at walang-pagrereklamong pagsamba, pagbabalik, at pagsuko. Kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na kaunawaan, tunay na pangangalaga o pagsunod, kundi takot at pagkabalisa lamang, pagdududa lamang, di-pagkakaunawaan, pagtakas, at pag-iwas; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagtatalaga at pagbabalik; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagsamba at pagsuko, tanging bulag na pag-idolo lamang at pamahiin; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi makakakilos ayon sa paraan ng Diyos, o matatakot sa Diyos, o iiwas sa masama. Sa kabaligtaran, bawa’t aktibidad at pag-uugali ng tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, ng mapanirang-puring pagbibintang at hindi-totoong paghatol tungkol sa Diyos, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos. Sa pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, malalaman talaga ng sangkatauhan kung paano sumunod sa Diyos at umasa sa Kanya; tanging sa tunay na pananalig at pagtitiwala sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagkaunawa at pag-abot; kasama ng tunay na pag-abot sa Diyos ay ang tunay na pagmamalasakit sa Kanya; tanging sa tunay na pagmamalasakit sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging sa tunay na pagsunod sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtatalaga; tanging sa tunay na pagtatalaga sa Diyos makakapagbalik ang sangkatauhan nang walang kundisyon at walang pagrereklamo; tanging sa tunay na pananalig at pagtitiwala, tunay na pagkaunawa at pagmamalasakit, tunay na pagsunod, tunay na pagtatalaga at pagbabalik, tunay na malalaman ng sangkatauhan ang disposisyon at kakanyahan ng Diyos, at malalaman ang pagkakakilanlan ng Manlilikha; tanging kapag nakilala nila ng tunay ang Manlilikha magigising ang sangkatauhan sa tunay na pagsamba at pagsuko; tanging kapag may tunay na pagsamba at pagsuko sa Manlilikha magagawa ng sangkatauhan na isantabi ang kanilang masasamang gawi, ang ibig sabihin, umiwas sa masama. Ito ang buong proseso ng “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama,” at siya ring nilalaman sa kabuuan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama, at maging ang daan na dapat bagtasin para makarating sa pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama. Ang “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama” at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa pagkatotoo ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nais ninuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, dapat muna niyang makaharap ang mga salita ng Diyos, makaharap ang Diyos, at hingin sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon para maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng klase ng kapaligirang kinapapalooban ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay; kung nais ninuman na makaharap ang Diyos at ang mga salita ng Diyos, dapat munang magkaroon ang sinuman ng isang simple at tapat na puso, kahandaang tanggapin ang katotohanan, pagpapasyang tiisin ang pagdurusa, determinasyon at tapang na iwasan ang masama, at ang mithiin na maging isang tunay na nilalang…. Sa ganitong paraan, sa unti-unting pagpapatuloy, malalapit kang lalo sa Diyos, lalong magiging dalisay ang puso mo, at ang iyong buhay at halaga ng pagiging buháy ay, kalakip ang iyong pagkakilala sa Diyos, magiging mas makahulugan at magiging mas maningning. Hanggang, isang araw, mararamdaman mo na ang Manlilikha ay hindi na isang palaisipan, na ang Manlilikha ay hindi kailanman natatago mula sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi kailanman nagkubli ng Kanyang mukha mula sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi pala malayo sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi na ang Siyang lagi mong pinananabikan sa iyong mga kaisipan pero hindi mo maabot ng iyong damdamin, na Siya ay talaga at tunay na nakatindig na nakabantay sa iyong kaliwa at kanan, nagtutustos ng iyong buhay at nagkokontrol ng iyong tadhana. Wala Siya sa malayong abot-tanaw, at hindi rin Niya isinikreto ang Sarili Niya sa itaas sa mga ulap. Nasa mismong tabi mo Siya, nangangasiwa sa lahat mo, Siya ang lahat na mayroon ka, at Siya ang tanging mayroon ka. Ang gayong Diyos ay nagpapahintulot sa iyo na mahalin Siya mula sa puso, kapitan Siya, hawakan Siya nang malapitan, hangaan Siya, matakot na mawala Siya, at hindi na maging handang Siya ay talikuran, hindi na Siya suwayin, o hindi na Siya iwasan o layuan. Ang gusto mo lamang ay pagmalasakitan Siya, sundin Siya, ibalik ang lahat ng ibinibigay Niya sa iyo, at sumuko sa Kanyang kapangyarihan. Hindi mo na tinatanggihan na magabayan, matustusan, mabantayan, at maingatan Niya, hindi mo na tinatanggihan ang idinidikta at itinatakda Niya para sa iyo. Ang gusto mo lamang ay ang sundan Siya, lumakad kasama Siya sa kaliwa o kanan, ang tanging gusto mo ay tanggapin Siya bilang ang nag-iisa at tanging buhay mo, ang tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at tanging Panginoon, ang iyong nag-iisa at tanging Diyos.”


Higit pang pansin:

Tagalog devotional message

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos