Pag aaral ng bibliya |15 Bible Verse Tungkol sa Pananampalataya Upang Mapalago ang Iyong Pananalig

Mga bersikulo sa bibliya,bible prophecy,read the bible,

Sinabi ng Panginoong Jesus, “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Sa kasalukuyan ang mundo ay nagiging mas higit na madilim at masama. Ang mga tao ay sinusunod ang mga uso sa mundong ito, at hinahangad ang kasiyahan ng laman. Ang mga mananampalataya ay hindi isinasagawa ang mga salita ng Panginoon, o sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon; sa halip, tanging humahawak lamang sila sa mga naipasang tradisyon ng tao, at nakatuon sa pagpapalawak ng kanilang kaalamang biblikal at mga teoryang teolohika upang maipagyabang ang kanilang mga sarili at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi sila nagpapatotoo sa Panginoon, itaas ang Panginoon, o talagang hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay lubusang lumayo mula sa daan ng Panginoon. Ang mga masasamang pagkilos na ito ay nangyayari ng nangyayari, kaya ang mga kapatid ay di-matamo ang pagtutubig at pagtustos ng buhay na tubig ng buhay. Sa gayon, ang kanilang pananampalataya ay naging maligamgam, at nakakaramdam sila ng pagkanegatibo at panghihina, at naiwala ang presensya ng Panginoon. Sa panahon ng delikadong mga sandali ng mga huling araw, paano natin makakamtan ang pananampalataya at lakas mula sa Diyos? Basahin ang sumusunod na mga talata ng Bibliya tungkol sa pananampalataya at tutulungan kayo ng mga ito na matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, mapalago ang iyong pananampalataya sa Diyos, at mapanumbalik ang normal na kaugnayan sa Diyos.

Ang kahalagahan ng Pananampalataya
» Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

Mga Hebreo 3:14
Sapagka’t tayo’y nagiging kabahagi ni Cristo, kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan.

1 Juan 5:4
Sapagka’t ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

Santiago 2:26
Sapagka’t kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.

Marcos 9:23
At sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya.

Juan 11:40
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios?

Ang Ugat na Dahilan ng Pagkawala ng Pananampalataya
» Mga Talata ng Biblia para Sanggunian

Mateo 24:12
At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.

Amos 4:7–8
At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jahova.

1 Juan 2:15–16
Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

Rekomendasyon:


I-click at basahin ang artikulong ito, at pagkatapos ay mauunawaan ano ang pananampalataya at mahanap ang landas upang magkaroon ng tunay na pananampalataya at makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

Mag-iwan ng puna