Tampok

Ano ang Isang Mananagumpay? Paano Tayo Magiging Mga Mananagumpay at Makatamo ng Proteksyon ng Diyos?

Yaong mga alam ang Biblia ay nalalaman lahat na ang Aklat ng Pahayag ay iprinopropesiya na 144,000 mga mananagumpay ay babangon sa mga huling araw, at itong mga mananagumpay ay makakatanggap ng proteksyon mula Diyos sa panahon ng mga malaking sakuna. Ang Pahayag 14:1 ay iprinopropesiya na, “At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama Niya’y isang daan at apat na pu’t apat na libong may pangalan Niya, at pangalan ng Kaniyang Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.” Pahayag 7:14 nakasaad sa propesiya na, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.” Ang “isang daan at apat na pu’t apat na libo” na sinasabi sa Banal na Kasulatan ay ang mga mananagumpay na gagawin ng Diyos. Silang lahat ay yaong sumailalim sa malaking pagdurusa at tumayong saksi, at sila ang mga yaong pinuri ng Diyos na makakapasok sa kaharian ng langit. Maraming tao ang naniniwala na ang mga mabuting pag-uugali tulad ng paggawa at paggugol ng kanilang mga sarili para sa Panginoon, pagdurusa at pagbabayad ng halaga, at pagtangging ikaila ang pangalan ng Panginoon kahit na nasa gitna ng pag-uusig, mga kapighatian, o nasa kulungan, ibig sabihin na maaari silang maging mananagumpay, at sa pagdating ng Panginoon sila ay mararapture sa harapan ng trono ng Diyos. Ngunit naisaalang-alang na ba natin kung ito ba ay tamang pananaw? Hindi sinabi ng Panginoon sa Bibliya na ang mga mananagumpay ay maaaring mabuo lamang mula sa gayong pagtataguyod, kaya ano nga ba ang 144,000 na mga mananagumpay na binanggit sa Pahayag? Pagbabahaginan natin ito ngayon.

Magpatuloy magbasa “Ano ang Isang Mananagumpay? Paano Tayo Magiging Mga Mananagumpay at Makatamo ng Proteksyon ng Diyos?”