Tampok

pang araw araw na Salita ng Diyos | “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” | Sipi 595

Pagkilala sa Diyos — Patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos makinig sa mga salita ng Diyos at ang iyong puso ay mas mapapalapit sa Diyos.

pang araw araw na Salita ng Diyos | “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” | Sipi 595

Ang nalalapit na katapusan ng lahat ng mga bagay ay nagpapahiwatig ng katapusan ng gawain ng Diyos at nagpapahiwatig ng pagtatapos ng pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas ay nakarating na sa katapusan ng pag-unlad, at na ang mga inapo nina Adan at Eba ay nagpaparami sa kani-kanilang mga katapusan, at ito rin ay nangangahulugan na imposible para sa gayong sangkatauhan, na ginawang masama na ni Satanas, ang magpatuloy na umunlad. Ang Adan at Eba sa simula ay hindi nagawang masama, ngunit ang Adan at Eba na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang masama ni Satanas. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, sina Adan at Eba—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang kanilang mga inapo ay darating sa isang pagtatapos; ang sangkatauhan ng hinaharap ay bubuuin pa rin ng mga inapo nina Adan at Eba, ngunit hindi sila mga tao na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Sa halip, sila ay mga tao na nailigtas at napadalisay. Ito ay magiging isang sangkatauhan na hinatulan at kinastigo, at isa na banal. Ang mga taong ito ay hindi tulad ng sangkatauhan ayon sa pagiging orihinal nito; maaaring sabihin ng sinuman na ang mga ito ay isang ganap na ibang uri ng tao mula sa orihinal na Adan at Eba. Ang mga taong ito ay pinili mula sa lahat ng mga taong ginawang masama ni Satanas, at sila ang mga taong sa bandang huli ay tumayong matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ay ang huling natitirang grupo ng mga tao sa gitna ng masamang sangkatauhan. Tanging ang grupong ito ng mga tao ang makakapasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. Sinuman at lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at sinuman at lahat na hindi nailigtas ay wawasakin kapag ang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga espiritung gumagawa ng masama at mga taong gumagawa ng masama, o mga espiritu ng mga taong matuwid at mga taong gumagawa ng pagkamatuwid, sinumang gumagawa ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay. Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi ganap na pinagpasyahan batay sa gawain ng huling panahon, ngunit sa halip ay natukoy batay sa kung sila ay nakipaglaban o naging suwail sa Diyos. Kung ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring mailigtas, ang mga ito ay walang alinlangan na puntirya para sa kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumawa ng kasamaan at hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa kaparusahan. Ang mga tao ay pinaghihiwalay batay sa mabuti at masama, hindi batay sa panahon. Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad parurusahan o gagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagagamit Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang Salita ng Diyos ay Buhay — Narito ang bawat talata ng mga salita ng Diyos ay maaaring magpapahintulot sa iyo na magkaroon ng higit na kaalaman sa Diyos! Mag-click upang makinig ngayon!

Tampok

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap'” | Sipi 70

Ang Salita ng Diyos ay Buhay: Pagbabasa ng Salita ng Diyos Bawat Araw ​- ang pangangailangan para sa buhay at espiritu ng mga Kristiyano. Mangyaring Pakinggan: Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap'” | Sipi 70

Magpatuloy magbasa “Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’” | Sipi 70″

Tampok

Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” | Sipi 498

Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” | Sipi 498

Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. Ngunit kung, ngayon, iyong nagawang bigyang kasiyahan ang Diyos, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay pagpeperpekto para sa iyo. Kung, ngayon, hindi mo nagagawang bigyan Siya ng kasiyahan, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay tutukso sa iyo, at ikaw ay hindi namamalayang matutumba, at sa oras na iyon hindi mo matutulungan ang iyong sarili, sapagka’t hindi mo kayang tumupad sa mga gawa ng Diyos, at hindi mo taglay ang tunay na tayog. At kaya, kung nais mong makapanindigan sa hinaharap, mabuting pasayahin ang Diyos, at sumunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan, ngayon ay kailangan mong bumuo ng isang malakas na pundasyon, dapat mong pasayahin ang Diyos sa pagsasabuhay ng katotohanan sa lahat ng mga bagay, at maging maingat sa Kanyang kalooban. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magkakaroon ng pundasyon sa kalooban mo, at pasisiglahin ng Diyos sa iyo ang isang pusong nagmamahal sa Kanya, at magbibigay Siya sa iyo ng pananampalataya. Isang araw, kapag ang isang pagsubok ay tunay na napasaiyo, maaari kang lubos na magdusa ng kaunting sakit, at maramdamang nasasaktan hanggang sa isang tiyak na punto, at magdusa ng nakadudurog na kalungkutan, na parang ikaw ay namatay—nguni’t ang iyong pag-ibig sa Diyos ay hindi magbabago, at magiging mas malalim. Ganyan ang mga pagpapala ng Diyos. Kung iyong magagawang tanggapin ang lahat ng sinasabi ng Diyos at ginagawa ito ngayon nang may isang pusong masunurin, sa gayon ikaw ay tiyak na pagpapalain ng Diyos, at sa gayon ikaw ay magiging isang taong pinagpala ng Diyos, at tumatanggap ng Kanyang pangako. Kung, ngayon, hindi ka nagsasagawa, kapag ang mga pagsubok ay napasaiyo isang araw mawawalan ka ng pananampalataya o mapagmahal na puso, at sa oras na iyon ang pagsubok ay magiging tukso; ikaw ay malulublob sa gitna ng tukso ni Satanas at hindi magkakaroon ng paraan upang makatakas. Ngayon, maaari kang manindigan kapag ang isang maliit na pagsubok ay naipasa sa iyo, nguni’t hindi nangangahulugang magagawa mong manindigan kapag naipasa sa iyo ang isang malaking pagsubok balang araw. Ang ilang tao ay napakataas ang paniniwala sa sarili, at nag-iisip na sila ay malapit nang maging perpekto. Kung hindi ka sisisid nang mas malalim sa nasabing mga pagkakataon, at mananatiling kampante, sa gayon ikaw ay manganganib. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng malalaking pagsubok, lahat ay tila maayos sa itsura, nguni’t kapag sinusubukan ka ng Diyos, iyong matutuklasang ikaw ay masyadong kulang, dahil ang iyong tayog ay masyadong mababa, at ikaw ay walang kakayanang tiisin ang malalaking pagsubok. Kung, ngayon, hindi ka susulong, kung mananatili ka sa isang lugar, sa gayon babagsak ka sa pagdating ng daluyong. Dapat ninyong tingnan nang madalas kung gaano kababa ang inyong tayog; ito lamang ang magbibigay sa inyo ng progreso. Kung sa mga panahon lamang ng pagsubok mo nakikitang mababa ang iyong tayog, na ang iyong pagpapasya ay napakahina, na tunay na kakaunti lamang sa loob mo ang tunay, at ikaw ay hindi sapat para sa kalooban ng Diyos—at kung doon mo lamang mapagtanto ang mga bagay na ito, ito ay huling-huli na.

Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, kung gayon ikaw ay tiyak na mahuhulog sa panahon ng mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya ginagawang perpekto ang mga ito, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi sila tumutugma sa iyong mga paniniwala, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa iyo, ang iyong laman ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi ka maaaring gawing perpekto ng Diyos, at hindi ka rin maaaring mag-ukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay ginagawang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon—nguni’t sa mga huling araw Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang gawin ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang lalong higit na pagdurusa at maraming mga pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa kasukdulan mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung mayroon mang tunay na nagmamahal sa Diyos o wala ay nabubunyag sa panahon ng kahirapan at pagpipino. Dinadalisay ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagpipino.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ano ang Kahulugan ng Pagsubok sa Atin ng Diyos?
Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Cordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay.

Tampok

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” | Sipi 5

Dahil abala tayo sa ating trabaho at walang oras na gumawa ng mga debosyonal. Paano kung mapalayo tayo sa Diyos, hindi maramdaman ang presensya, at makaramdam ng pagkabalisa? Basahin ang mga salita ng Diyos upang makagawa ng Tagalog Devotional ang pinakamabuting pagpili.

Sabi ng Diyos:

“Ang tunay na nilalang ay dapat na makakilala kung sino ang Manlilikha, kung para saan ang pagkakalikha sa tao, kung paano isakatuparan ang mga responsibilidad ng isang nilalang, at kung paano sambahin ang Panginoon ng lahat ng sangnilikha, dapat maunawaan, matarok, malaman, at pagmalasakitan ang mga intensyon ng Manlilikha, mga nais, mga hinihingi, at dapat na kumilos ayon sa paraan ng Manlilikha—ang matakot sa Diyos at umiwas sa masama. Ano ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos? At paano umiwas sa masama?Ang “magkaroon ng takot sa Diyos” ay hindi nangangahulugang walang katulad na sindak at takot, ni hindi ang umiwas, o lumayo, at hindi rin ito pagsamba sa diyos-diyosan o pamahiin. Sa halip, isa itong paghanga, pagpapahalaga, pagtitiwala, pag-unawa, pangangalaga, pagsunod, pagtatalaga, pag-ibig, at maging, walang-kundisyon at walang-pagrereklamong pagsamba, pagbabalik, at pagsuko. Kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na kaunawaan, tunay na pangangalaga o pagsunod, kundi takot at pagkabalisa lamang, pagdududa lamang, di-pagkakaunawaan, pagtakas, at pag-iwas; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagtatalaga at pagbabalik; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagsamba at pagsuko, tanging bulag na pag-idolo lamang at pamahiin; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi makakakilos ayon sa paraan ng Diyos, o matatakot sa Diyos, o iiwas sa masama. Sa kabaligtaran, bawa’t aktibidad at pag-uugali ng tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, ng mapanirang-puring pagbibintang at hindi-totoong paghatol tungkol sa Diyos, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos. Sa pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, malalaman talaga ng sangkatauhan kung paano sumunod sa Diyos at umasa sa Kanya; tanging sa tunay na pananalig at pagtitiwala sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagkaunawa at pag-abot; kasama ng tunay na pag-abot sa Diyos ay ang tunay na pagmamalasakit sa Kanya; tanging sa tunay na pagmamalasakit sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging sa tunay na pagsunod sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtatalaga; tanging sa tunay na pagtatalaga sa Diyos makakapagbalik ang sangkatauhan nang walang kundisyon at walang pagrereklamo; tanging sa tunay na pananalig at pagtitiwala, tunay na pagkaunawa at pagmamalasakit, tunay na pagsunod, tunay na pagtatalaga at pagbabalik, tunay na malalaman ng sangkatauhan ang disposisyon at kakanyahan ng Diyos, at malalaman ang pagkakakilanlan ng Manlilikha; tanging kapag nakilala nila ng tunay ang Manlilikha magigising ang sangkatauhan sa tunay na pagsamba at pagsuko; tanging kapag may tunay na pagsamba at pagsuko sa Manlilikha magagawa ng sangkatauhan na isantabi ang kanilang masasamang gawi, ang ibig sabihin, umiwas sa masama. Ito ang buong proseso ng “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama,” at siya ring nilalaman sa kabuuan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama, at maging ang daan na dapat bagtasin para makarating sa pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama. Ang “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama” at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay at pinagdugtong ng di-mabilang na mga tali, at ang koneksyon sa pagitan nila ay malinaw. Kung nais ninuman na makaiwas sa masama, dapat munang magkaroon ang taong iyon ng tunay na pagkatakot sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, dapat munang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos; kung nais ninuman na magkaroon ng pagkakilala sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa pagkatotoo ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nais ninuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, dapat muna niyang makaharap ang mga salita ng Diyos, makaharap ang Diyos, at hingin sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon para maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng klase ng kapaligirang kinapapalooban ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay; kung nais ninuman na makaharap ang Diyos at ang mga salita ng Diyos, dapat munang magkaroon ang sinuman ng isang simple at tapat na puso, kahandaang tanggapin ang katotohanan, pagpapasyang tiisin ang pagdurusa, determinasyon at tapang na iwasan ang masama, at ang mithiin na maging isang tunay na nilalang…. Sa ganitong paraan, sa unti-unting pagpapatuloy, malalapit kang lalo sa Diyos, lalong magiging dalisay ang puso mo, at ang iyong buhay at halaga ng pagiging buháy ay, kalakip ang iyong pagkakilala sa Diyos, magiging mas makahulugan at magiging mas maningning. Hanggang, isang araw, mararamdaman mo na ang Manlilikha ay hindi na isang palaisipan, na ang Manlilikha ay hindi kailanman natatago mula sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi kailanman nagkubli ng Kanyang mukha mula sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi pala malayo sa iyo, na ang Manlilikha ay hindi na ang Siyang lagi mong pinananabikan sa iyong mga kaisipan pero hindi mo maabot ng iyong damdamin, na Siya ay talaga at tunay na nakatindig na nakabantay sa iyong kaliwa at kanan, nagtutustos ng iyong buhay at nagkokontrol ng iyong tadhana. Wala Siya sa malayong abot-tanaw, at hindi rin Niya isinikreto ang Sarili Niya sa itaas sa mga ulap. Nasa mismong tabi mo Siya, nangangasiwa sa lahat mo, Siya ang lahat na mayroon ka, at Siya ang tanging mayroon ka. Ang gayong Diyos ay nagpapahintulot sa iyo na mahalin Siya mula sa puso, kapitan Siya, hawakan Siya nang malapitan, hangaan Siya, matakot na mawala Siya, at hindi na maging handang Siya ay talikuran, hindi na Siya suwayin, o hindi na Siya iwasan o layuan. Ang gusto mo lamang ay pagmalasakitan Siya, sundin Siya, ibalik ang lahat ng ibinibigay Niya sa iyo, at sumuko sa Kanyang kapangyarihan. Hindi mo na tinatanggihan na magabayan, matustusan, mabantayan, at maingatan Niya, hindi mo na tinatanggihan ang idinidikta at itinatakda Niya para sa iyo. Ang gusto mo lamang ay ang sundan Siya, lumakad kasama Siya sa kaliwa o kanan, ang tanging gusto mo ay tanggapin Siya bilang ang nag-iisa at tanging buhay mo, ang tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at tanging Panginoon, ang iyong nag-iisa at tanging Diyos.”


Higit pang pansin:

Tagalog devotional message

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos at ng gawain ng mga pinuno ng relihiyon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, … At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:17–19). Magpatuloy magbasa “Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng mga taong ginagamit ng Diyos at ng gawain ng mga pinuno ng relihiyon?”

Tinuturing ng Diyos ang Tao bilang Kanyang Pinakamamahal

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang tiwali o sumusunod sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga minamahal Niya—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi Kanyang mga laruan. Magpatuloy magbasa “Tinuturing ng Diyos ang Tao bilang Kanyang Pinakamamahal”

Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Kumawala sa Bitag”: Paano Inililigtas ng Diyos ang Tao mula sa Impluwensya ni Satanas

Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Kumawala sa Bitag”: Paano Inililigtas ng Diyos ang Tao mula sa Impluwensya ni Satanas

Sabi sa Biblia, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao at ipinapakita sa atin ang Kanyang matuwid, dakila at di-masusuway na disposisyon. Hinahatulan ng Diyos ang tao sa mga huling araw para iligtas ang tao at makaalpas sila sa impluwensya ni Satanas at tunay na makabalik sa Diyos. Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Kumawala sa Bitag”: Paano Inililigtas ng Diyos ang Tao mula sa Impluwensya ni Satanas”

Alam Mo Ba? Nakagawa ng Isang Dakilang Bagay ang Diyos sa mga Tao | Sipi 132

Mga Salita ng Diyos

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Magpatuloy magbasa “Alam Mo Ba? Nakagawa ng Isang Dakilang Bagay ang Diyos sa mga Tao | Sipi 132”

Araw-araw Na Mga Salita ng Diyos

panginoon,Cristo,Jesukristo,Ipako sa Krus,Panginoong JesusSabi ng Makapangyarihang Diyos,”Nang matapos ang gawain ni Jesus, ang tamang landas ni Jesucristo ay tumatangan sa daigdig, pero nagsimula ang Diyos ng mga plano para sa isa pang yugto ng Kanyang gawain, ang tungkol sa pagkakatawang-tao sa mga huling araw.Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang buong sangkatauhan, at tinulutan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad na. Natubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi pa Niya nalupig ang sangkatauhan, lalo pa ang mabago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ng Diyos, “Bagaman dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Si Jesus ang sinisinta Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, nguni’t hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito.” Magpatuloy magbasa “Araw-araw Na Mga Salita ng Diyos”

Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Ang Kapanahunan ng Kaharian,Salita ng Diyos,Makapangyarihang Diyos

Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t ibang mga kapanahunan, at sa iba’t ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing kitang-kita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan. Magpatuloy magbasa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos”