![Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?](https://angpagbabalikngpanginoongjesus.home.blog/wp-content/uploads/2021/04/ezgif.com-gif-maker-4.jpg?w=360)
Sagot:
Kung talagang nakikilala ng mga mananampalataya na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, talagang napakahalaga nito, at ipinapakita na ang gayong mga mananampalataya ay may tunay na alam sa diwa ni Cristo. Ang gayong tao lamang ang masasabing tunay na nakakakilala sa Diyos. Si Cristo ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang mga kumikilala kay Cristo at makasusunod sa Kanya ang nakakakilala sa Diyos dahil ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay nagmumula lahat sa Diyos, lahat ay mula sa mga pahayag ng Cristong nagkatawang-tao. Maliban kay Cristo, wala nang katotohanan, daan, at buhay, kaunti lamang ang mga taong nakauunawa nito. Ginagamit ng Diyos ang kakayahan ng taong makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang pamantayan sa pagsubok Niya sa tao. Ang mga nakatutugon lamang sa pamantayang ito sa kanilang paniniwala ang magkakamit ng papuri ng Diyos. Lahat ng tumatanggap at sumusunod sa pagkakatawang-tao ng Diyos ay mga mananagumpay na dinadala sa harapan ng Diyos para gawin munang perpekto. Ang mga hindi tumatanggap at sumusunod kay Cristo ay ipadadala upang danasin ang dusang dulot ng mga kalamidad dahil hindi nila kinikilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos at maituturing na mga mangmang na dalaga. Tulad noong dumating ang Panginoong Jesus, dinala Niya ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at ang mga tumanggap sa Kanyang salita at tunay na sumunod sa Kanya sa tuktok ng bundok, personal na ginagabayan at tinuturuan sila, habang hindi pinapansin ang mga nasa relihiyosong daigdig at ang mga naniniwala lamang sa Diyos para sa sarili nilang kapakinabangan dahil naniwala lamang sila sa malabong Diyos ng mataas na kalangitan at hindi tinanggap ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Bulag sila sa hindi nila pagkilala sa Diyos. Kaya yaon lamang mga tumatanggap at sumusunod sa nagkatawang-taong Cristo ang tatanggap ng papuri ng Diyos at gagawin Niyang perpekto. Bakit si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Magpatuloy magbasa “Tanong 7: Ang dalawang beses na pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapatotoo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Paano natin dapat unawain si Cristo bilang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?”