Tampok

Aling Simbahan ang Mararapture sa Pagbabalik ng Panginoon? Paano Natin Ito Mahahanap?

Tulad ng alam nating lahat, ang iglesia ng Philadelphia na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag ay isang iglesia na na-rapture bago ang mga malalaking sakuna. Sa kasalukuyan, ang mga sakuna ay nasa lahat ng dako, at tanging sa pamamagitan ng pagtuklas sa iglesia ng Philadelphia tayo maaaring ma-rapture sa harap ng trono ng Diyos bago dumating ang mga malalaking sakuna. Alam mo ba kung sa anong mga katangian nakikilala ang iglesia ng Philadelphia? At paano natin mahahanap ang iglesiang ito? Ating talakayin at tuklasin ang isyung ito sa ibaba.

Magpatuloy magbasa “Aling Simbahan ang Mararapture sa Pagbabalik ng Panginoon? Paano Natin Ito Mahahanap?”

Tampok

Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?

Maraming mga tao, gaano man katagal silang naniwala sa Panginoon, ay nabubuhay pa rin sa kalagayan ng pagkakasala sa araw at pagtatapat sa gabi, at sa gayon sila ay nag-aalala kung pinapatawad ba ng Diyos ang mga kasalanang paulit-ulit nilang ginagawa at kung sa huli ay makakapasok sila sa kaharian ng langit. Sa totoo lang, sinabi na sa atin ng mga salita ng Panginoon ang saloobin ng Diyos sa mga isyung ito, pati na rin ang landas upang malutas ang kasalanan.

Magpatuloy magbasa “Pinapatawad ba ng Diyos ang mga Kasalanang Paulit-ulit Mong Ginagawa?”

Tampok

Natupad Na Ang Mga Propesiya ng Bagong Pangalan ng Diyos sa Pahayag

Tala ng Patnugot:

Pagdating sa kung ang Panginoon ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik, maaaring sinasabi mo: “Nakatala sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man’ (Mga Hebreo 13:8). ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas’ (Mga Gawa 4:12). Ipinapakita nito na ang Panginoong Jesus ay tatawagin pa ring Panginoong Jesus at ang Kanyang pangalan ay hindi magbabago.”

Napagnilayan mo ba kung bakit ang pangalang Jehova ay naging Jesus kung ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago? Yamang ang Panginoong Jesus ay kumuha ng isang bagong pangalan noong Siya ay gumawa, kung gayon hindi ba Siya maaaring magkaroon ng isang bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw? Sa katunayan, ang Aklat ng Pahayag ay matagal nang ipinropesiya na ang Panginoong Jesus ay magkakaroon ng bagong pangalan sa Kanyang pagbabalik. Hindi lamang natin napansin ito. Halina’t ifellowship natin at tuklasin ang usaping ito sa ibaba.

Magpatuloy magbasa “Natupad Na Ang Mga Propesiya ng Bagong Pangalan ng Diyos sa Pahayag”

Tampok

Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya: Ano ang Tunay na Pananampalataya

Ang hinihingi ng Diyos sa bawat isa sa atin bilang mga Kristiyano ay ang magtaglay ng tunay na pananampalataya. Napakaraming halimbawa ang nakatala sa Biblia ng mga taong nagawang makita ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos at biniyayaan Niya dahil sa kanilang pananampalataya. May pananampalataya si Moises sa Diyos at sa pamamagitan ng gabay Niya, ay nagawang malampasan ang napakaraming balakid at limitasyon ng Pharaoh, matagumpay na ginabayan ang mga Israelita sa kanilang pag-alis sa Ehipto. May pananampalataya si Abraham sa Diyos at handang isakripisyo ang nag-iisa niyang anak na si Isaac sa Diyos, at sa huli ay biniyayaan siya ng Diyos, pinahihintulutan na magparami ang kanyang mga inapo at maging malalaking bansa. May pananampalataya si Job sa Diyos at nagawang magpatotoo para sa Diyos sa pamamagitan ng dalawang pagsubok; higit pa siyang biniyayaan ng Diyos, at nagpakita sa kanya at kinausap siya mula sa bagyo. Ang babaeng taga-Canaan sa Mateo ay may pananampalataya sa Panginoong Jesus at naniwala na magagawa Niyang paalisin ang masamang espiritu mula sa anak niya. Nakiusap siya sa Panginoong Jesus at gumaling ang sakit ng kanyang anak. Bilang mga Kristiyano, mahalagang maunawaan natin ang katotohanang patungkol sa kung ano ang tunay na pananampalataya nang sa gayon ay anumang paghihirap ang makasagupa natin sa ating mga buhay—pagkabigo sa negosyo, dagok sa buhay, hindi magagandang pangyayari sa pamilya—magagawa nating umasa sa ating pananampalataya at walang pag-aalinlangang susunod sa Diyos, nagiging umaalingawngaw na patotoo para sa Kanya at sa huli ay natatamo ang Kanyang pagsang-ayon.

Magpatuloy magbasa “Tagalog Sermon Tungkol sa Pananampalataya: Ano ang Tunay na Pananampalataya”

Tampok

pang araw araw na Salita ng Diyos | “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” | Sipi 595

Pagkilala sa Diyos — Patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos makinig sa mga salita ng Diyos at ang iyong puso ay mas mapapalapit sa Diyos.

pang araw araw na Salita ng Diyos | “Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama” | Sipi 595

Ang nalalapit na katapusan ng lahat ng mga bagay ay nagpapahiwatig ng katapusan ng gawain ng Diyos at nagpapahiwatig ng pagtatapos ng pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas ay nakarating na sa katapusan ng pag-unlad, at na ang mga inapo nina Adan at Eba ay nagpaparami sa kani-kanilang mga katapusan, at ito rin ay nangangahulugan na imposible para sa gayong sangkatauhan, na ginawang masama na ni Satanas, ang magpatuloy na umunlad. Ang Adan at Eba sa simula ay hindi nagawang masama, ngunit ang Adan at Eba na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang masama ni Satanas. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, sina Adan at Eba—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang kanilang mga inapo ay darating sa isang pagtatapos; ang sangkatauhan ng hinaharap ay bubuuin pa rin ng mga inapo nina Adan at Eba, ngunit hindi sila mga tao na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Sa halip, sila ay mga tao na nailigtas at napadalisay. Ito ay magiging isang sangkatauhan na hinatulan at kinastigo, at isa na banal. Ang mga taong ito ay hindi tulad ng sangkatauhan ayon sa pagiging orihinal nito; maaaring sabihin ng sinuman na ang mga ito ay isang ganap na ibang uri ng tao mula sa orihinal na Adan at Eba. Ang mga taong ito ay pinili mula sa lahat ng mga taong ginawang masama ni Satanas, at sila ang mga taong sa bandang huli ay tumayong matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ay ang huling natitirang grupo ng mga tao sa gitna ng masamang sangkatauhan. Tanging ang grupong ito ng mga tao ang makakapasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. Sinuman at lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at sinuman at lahat na hindi nailigtas ay wawasakin kapag ang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga espiritung gumagawa ng masama at mga taong gumagawa ng masama, o mga espiritu ng mga taong matuwid at mga taong gumagawa ng pagkamatuwid, sinumang gumagawa ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay. Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi ganap na pinagpasyahan batay sa gawain ng huling panahon, ngunit sa halip ay natukoy batay sa kung sila ay nakipaglaban o naging suwail sa Diyos. Kung ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring mailigtas, ang mga ito ay walang alinlangan na puntirya para sa kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumawa ng kasamaan at hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa kaparusahan. Ang mga tao ay pinaghihiwalay batay sa mabuti at masama, hindi batay sa panahon. Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad parurusahan o gagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagagamit Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang Salita ng Diyos ay Buhay — Narito ang bawat talata ng mga salita ng Diyos ay maaaring magpapahintulot sa iyo na magkaroon ng higit na kaalaman sa Diyos! Mag-click upang makinig ngayon!

Tampok

Paano Matutupad ang Mga Propesiya ng Ikalawang Pagdating ni Jesus

Ang pinakamalaking kahilingan ng maraming mananampalataya sa Panginoong Jesus ay ang salubungin Siya sa mga huling araw, at kaya napakaraming may nais na malaman kung paano matutupad ang mga propesiya ng ikalawang pagdating ni Jesus, upang matanggap nila Siya sa lalong madaling panahon. Kami ay magbabahagi rito at lulutasin ang isyung ito upang maipakita sa iyo ang paraan upang salubungin ang Panginoon na maaaring makapagbigay ng tulong sa iyo.

Magpatuloy magbasa “Paano Matutupad ang Mga Propesiya ng Ikalawang Pagdating ni Jesus”

Tampok

14 na Mga Bible Verse Tungkol sa Proteksyon—Paano Maprotektahan ng Diyos

Ngayon, ang lahat ng uri ng mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, sunog, at mga salot na insekto ay madalas na nangyayari. Lalo na ngayong 2020 ang salot ay pandemya sa buong mundo, at ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa takot. Tunay na walang magawa at walang pag-asa ang sangkatauhan sa harap ng mga sakuna! Maraming tao ang umaasa na sila at ang kanilang pamilya ay makakakuha ng pangangalaga ng Diyos. Ngunit alam mo ba kung ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga sakuna at kung paano makukuha ang proteksyon ng Diyos? Ang sumusunod na mga talata ng Bibliya at mga kaugnay na nilalaman ay magsasabi sa iyo ng mga sagot.

Magpatuloy magbasa “14 na Mga Bible Verse Tungkol sa Proteksyon—Paano Maprotektahan ng Diyos”

Tampok

Tagalog Bible App–Pag-aralan ang Biblia Anumang Oras at Mapalapit sa Diyos

Matapos maging abala sa ating gawain sa buong araw, kung minsan, madarama natin ang ating mga puso ay malayo sa Diyos at pakiramdam na hungkag sa kaibuturan. Sa sandaling ito, dapat nating patahimikin ang ating mga puso upang mapalapit sa Diyos. atin upang Paano Mapalapit sa Diyos? sa anong paraan ang dapat nating gamitin upang makalapit sa Diyos?Hahayaan ka ng Tagalog Bible App na mapalapit sa Diyos anumang oras at mapanatili ang isang maayos na relasyon sa Diyos.

Magpatuloy magbasa “Tagalog Bible App–Pag-aralan ang Biblia Anumang Oras at Mapalapit sa Diyos”

Tampok

Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos

Ang Salita ng Diyos ay Buhay: Pagbabasa ng Salita ng Diyos Bawat Araw, at hayaan ang mga salita ng Diyos na mamuno sa ating araw-araw na gawain at buhay, Ito ay isang pangunahing aspeto para sa atin upang mapanatili ang isang maayos na relasyon sa Diyos. atin upang Paano Mapalapit sa Diyos? paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos?pakibasa ang artikulong ito “Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos” at pagkatapos mahahanap mo ang landas.

Magpatuloy magbasa “Mga Talata ng Bibliya tungkol sa Relasyon sa Diyos”

Tampok

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap'” | Sipi 70

Ang Salita ng Diyos ay Buhay: Pagbabasa ng Salita ng Diyos Bawat Araw ​- ang pangangailangan para sa buhay at espiritu ng mga Kristiyano. Mangyaring Pakinggan: Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap'” | Sipi 70

Magpatuloy magbasa “Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’” | Sipi 70″