Tampok

“Ang Pananalig Ba sa Bibliya ay Pareho ng Pananalig sa Diyos?” Tagalog Testimony Video

Ang pangunahing tauhan, na isang tapat na mananampalataya, ay nag-aasam sa pagdating ng Panginoon. Nalaman niya sa Facebook kalaunan na nagpapatotoo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Gusto niyang siyasatin iyon, pero dahil sinasabi ng pastor niya na ang daang ipinapangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lagpas sa Biblia at na anumang lumalayo sa Biblia ay maling pananampalataya, nag-atubili siya at hindi nangahas na siyasatin iyon. Matapos manalangin, napagtanto niya na ang pagdating ng Panginoon ay hindi isang maliit na bagay at hindi pwedeng sumunod lang siya sa karamihan ng mga tao. Para makita niya mismo, binisita niya ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan nakakita siya ng iba’t ibang video na nagpapatotoo sa Diyos. Praktikal at nakapagbibigay-liwanag ang pagbabahagi ng Iglesia tungkol sa katotohanan at nilutas noon ang ilang taon na niyang pagkalito at hirap. Natutunan niya rin mula sa mga video na ito na ang Diyos ang Panginoon ng paglikha at may karapatan Siyang lumagpas sa Biblia sa Kanyang gawain, at napagtanto niyang ang pananalig sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang pagsisiyasat, nakatiyak siya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sumunod sa mga yapak ng Cordero.

Magpatuloy magbasa ““Ang Pananalig Ba sa Bibliya ay Pareho ng Pananalig sa Diyos?” Tagalog Testimony Video”

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 4 From “Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!”: Ang Pagtanggap Lamang sa Bagong Pangalan ng Diyos ang Pagsunod sa mga Yapak ng Kordero

Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba’t ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos?
Sa maikling video na ito — Tagalog Christian Movie Extract 4 From “Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!”: Ang Pagtanggap Lamang sa Bagong Pangalan ng Diyos ang Pagsunod sa mga Yapak ng Kordero, Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito.

Tampok

Tagalog Christian Music Video | Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Mas Angkop sa Gawain ng Pagliligtas

Nagkatawang-taong Diyos ngayo’y ang Diyos
na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw.
Dahil ito’y tiwaling tao ng laman,
‘di espiritu ni Satanas na direktang hinahatulan,
gawaing paghatol ay tinutupad sa tao,
‘di sa mundong espirituwal.
Kung Espiritu ng Diyos gumawa nito,
paghatol ay ‘di magiging kumpleto.
Ito’y mahirap matanggap ng tao,
dahil tao’y ‘di nakakakita sa Espiritu nang harapan.
Kaya’ng epekto’y ‘di magiging mabilis,
at ito’y mas mahirap para sa tao’ng
makita nang mas malinaw ang disposisyon ng Diyos.
Sa paggawa ng gawain ng paghatol
sa katiwalian ng laman ng tao,
walang mas karapat-dapat, kwalipikado
kaysa sa nagkatawang-taong Diyos.
Sa paggawa ng gawain ng paghatol
sa katiwalian ng laman ng tao,
walang mas karapat-dapat, kwalipikado
kaysa sa nagkatawang-taong Diyos.

Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Music Video | Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Mas Angkop sa Gawain ng Pagliligtas”
Tampok

Tagalog Testimony Video “Nauunawaan Ko Na Ang Ugnayan sa Pagitan ng Biblia at ng Diyos”

Nagkataong napanood ng pangunahing tauhan, isang Kristiyano, ang ilang pelikulang ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa YouTube. Natuklasan niyang talagang tunay at nakaaantig ang mga ito, at nakatutulong sa kanyang pananampalataya. Natutuwa siya tuwing pinapanood niya ang mga pelikulang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, kaya sinimulan niyang siyasatin ito. Ngunit isang araw ay nalito siya nang makita niya ang pamagat ng pelikulang Ang Paglabas ng Biblia, at nagtaka siya kung bakit kailangan pang lumampas sa Bibliya sa pananampalataya. Hindi ba’t pagtataksil iyon sa Panginoon? Gayunman, natatakot siya na kung hindi niya ito sisiyasatin, maaaring mawalan siya ng pagkakataong salubungin ang pagdating ng Panginoon. Sa pamamagitan ng panalangin at paghahanap, nagpasya siyang panoorin ang pelikula upang malaman ang katotohanan ng mga bagay-bagay. Nagawa niyang maunawaan ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng Bibliya at masayang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sabay nating panoorin ang kanyang kuwento!


Iba pa:

Tagalog Christian Testimony Video | “Nauunawaan Ko Na Ang Ugnayan sa Pagitan ng Biblia at ng Diyos”
Tagalog Christian Movie Extract 4 From “Pananalig sa Diyos”: Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Diyos?

Tampok

Tagalog Christian Songs | Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay

Ang pahina ng Daily Devotional Tagalog ay nagbibigay ng isang kayamanan ng mga mapagkukunang pang-espiritwal upang matulungan kang makalapit sa Diyos at magtatag ng isang normal na relasyon sa kanya araw-araw. Mangyaring makinig kanta: Tagalog Christian Song | Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay

Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Songs | Dala ng mga Salita at Gawain ng Diyos sa Tao ay Pawang Buhay”
Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Pananabik”: Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?

Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta’t sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t maraming mga una na mangahuhuli; at mga huli na mangauuna” (Mateo 19:30). “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.Manood Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Pananabik”: Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon?


Ang pag-raptured bago ang sakuna ay ang pag-asa ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon. Ngayon ay nagsimula na ang malaking sakuna, ngunit bakit hindi pa tayo naraptured? Mag-click sa rapture in bible tagalog at pagkatapos ay mahahanap mo ang sagot.


kaugnay na mungkahi:

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay

Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si “Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay.” Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?

Magpatuloy magbasa “Tagalog Christian Movie Extract 5 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay”

Tampok

Tagalog Christian Song | Makapangyarihang Diyos Lamang ang Makapagliligtas sa Tao

Sa mga huling araw, Nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gawain ng pagliligtas ng tao, ay napakahalaga para sa atin.mangyaring pakinggan Tagalog Christian SongTanging Makapangyarihang Diyos ang Makakatipig ng Tao

Kayganda ng mga gawa
ng Makapangyarihang Diyos!
Pitong trumpeta, pitong kulog tumutunog,
pitong mangkok ang ibinubuhos Niya.
Ito’y makikita, wala ‘yang duda.

Ang naghahandog ng sarili ngayon
ay tiyak na lubos Niyang pagpapalain;
ang gustong iligtas ang sarili’y mamamatay.
Lahat ay nasa mga kamay ng Diyos.
H’wag nang tumigil sa paghakbang mo.
Lupa’t langit nagbabago nang husto.
Walang pagtataguan, tatangis ang tao;
wala silang ibang pagpipilian.
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.

Gawain ng Banal na Espiritu’y sundan,
dapat malinaw sa loob ng sarili ng bawat tao,
‘di na kailangang paalalahanan
tungkol sa pag-unlad ng Kanyang gawain.
Dalasan mo ang pagharap sa Diyos,
at lahat-lahat sa Kanya’y hilingin.
At loob mo’y liliwanagan,
sa panganib poprotektahan ka Niya.
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.

H’wag matakot!
Hawak Niya buong pagkatao mo.
Sa proteksyon Niya, ano’ng ikakatakot?
Magtatagumpay na ang kalooban Niya.
Buksan espirituwal na mata,
magbabago ang langit.
Bakit matatakot?
Sa munting pagkilos ng kamay Niya,
lupa’t langit, kaya Niyang agad wasakin.
Kaya bakit ka pa mag-aalala?
‘Di ba lahat ng bagay nasa kamay Niya?
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.
Lupa’t langit mababago sa utos Niya.
Magagawa tayong ganap sa utos Niya.
H’wag mabalisa, sumulong nang panatag,
sa kabilang dako, makinig, mag-ingat.
Mag-ingat agad, kalooban Niya’y nangyari na,
proyekto Niya’y tapos na,
tagumpay plano Niya.
Lahat ng anak Niya’y nakarating na sa trono Niya,
hinuhusgahan mga bansa’t taong may Diyos.
Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin.
Malasin man tayo o pagpapalain,
depende ‘to sa Makapangyarihang Diyos.
Hindi tayo maaaring magdesisyon.
Umuusig sa iglesia’t mga anak Niya
parurusahan nang matindi, tiyak ‘yan!
‘Yong may taos ang puso sa Kanya, naninindigan
mamahalin ng Diyos magpakailanman.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Alam mo ba kung bakit mahalaga ang kaligtasan? Paano natin makakamit ang walang hanggang kaligtasan? Ang artikulong ito ay magbibigay ng sagot sa iyo.

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono”: Upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos

Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Mabuting balita ng Panginoon ngayong araw: Ang misteryo ng pagbabalik ng Panginoon ay naihayag. Ang Panginoon ay kakatok sa ating mga pintuan sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbigkas sa Kanyang pagbabalik. Yaong nakikinig sa tinig ng Diyos at nagbukas ng pintuan upang batiin ang Diyos ay dadalo sa piging kasama Siya. Kung nais mong matuto nang higit pa, Mangyaring panoorin Tagalog Christian Movie Extract 3 From “Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono”: Upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos.


Maraming tao ang nagpatotoo sa pagbabalik ng Panginoon. Paano ba natin matutukoy na bumalik na ang Panginoon? At paano dapat natin matanggap ang muling pagbabalik ng Panginoon? I-click ang link sa ibaba, narito ang sagot.

1.Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at sa pamamagitan lamang ng pakikinig sa tinig ng Diyos masasalubong ang nagbalik na Panginoon.
2.Tagalog Christian Movie Extract 2 From “Ang Misteryo ng Kabanalan”: Makinig Para sa Tinig ng Diyos Upang Salubungin ang Pagdating ng Panginoon.

Tampok

Tagalog Christian Movie Extract 1 From “Paggising Mula sa Panaginip”: Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?

Ano ang kaharian ng langit? Nasa langit ba talaga ito? Kung gayon bakit tinuruan tayo ng Panginoong Jesus na manalangin sa ganitong paraan: “Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10)? Nais ba ninyong malaman kung nasaan ang kaharian ng langit at kung paano makakapasok dito? Mangyaring panoorin Movie Extract: “Paggising Mula sa Panaginip”

Tagalog Christian Movie Extract 1 From “Paggising Mula sa Panaginip“: Ang Kaharian ba ng Diyos ay nasa Langit o nasa Lupa?

Maraming mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ang naghihintay na madala sa kaharian ng langit, pero alam mo ba kung nasaan talaga ang kaharian ng langit? Alam mo ba ang tunay na kahulugan ng pagdadala?


Iba pa:
Nasaan ang kaharian ng Diyos
Large-scale Gospel Choir | “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo” Tagalog Christian Song